Mga mommy pa advice naman po

Mga mii, ako lang ba? Ako lang ba yung everytime na may immyday about sa gamit ng baby ko eh nagkandarapa tumawag yung nanay ng partner ko. Para punahin lang yung binibili ko para sa anak ko? First baby ko to kaya excited ako na bumili ng gamit niya. Nagiging emotional ako kasi para bang pakiramdam ko wala akong karapatan bumili ng gusto ko para sa anak ko. Lagi siyang naka sita na oh bumili na kayo ng gamit daming pera ha! Diba sabi ko ako na bibili sa september. Diko alam mii iba lang dating sakin. Pakiramdam ko pinapakialam niya desisyon namin sa buhay lalo sa bata. Gusto ko lang naman mafeel na ako bibili at pipili sa mga gamit ng anak ko dahil nga first baby ko to. Naiiyak ako nagiging emotional ako. Mali ba to g nararamdaman ko? Going 30weeks nako pero ever since kahit di pako buntis everytime may nakikita mama niya sa myday ko or myday ni hubby nagrereact agad sya. Diko na alam san lulugar, kaligayahan ko lang naman yung mabilan ko ng gusto ko yung baby ko dahil diko naman naranasan noon hanggang lumaki ako na mabilan ako ng magagandang gamit ng mama ko. 😥 Mali ba ko ng pag iisip ano ba dapat kong gawin. #1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby #pregnancy

52 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

hide mo nlng po sya sa viewer mo. wag po pastress hanggat kaya mo nmn mag provide. at hindi naapektohan yung daily needs nyo. go ka lang. happy mommy- happy baby. ☺️

2y ago

Yes po di naman po kami nahingi sknya, infact sya pa madalas humiram kay hubby pang tuition at school supplies ng mga kapatid ni hubby. Pero wala naman po ako problema don. Ang sakin lang sa buhay mag asawa hayaan niya sana ako ang magdesisyon para saming pamilya hindi yung lagi siyang naka against at laging hinaharang plano namin. Di naman ho kami mga bata na, at nakabukod naman kami. Di kami naasa sa kanila pero lagi siyang direct kay hubby para gusto niya masunod.

di po ba pwede ifilter yung kung sino lang makakakita ng myday mo? pwede mo po siguro ihide yun sa nanay ng partner mo para pag nag myday ka hindi po nya makita.

2y ago

Yes pwede naman po. Palaisipin lang po talaga yung attitude niya sakin.

red flag c mother in law 😅 i.hide mo na lang po sa kanya yung my day mo . meron po sa settings. Wag masyado ma stress, ignore nlng po. Ingat lagi momsh❤️

2y ago

True po.

wag mo na lang i my day mi 😅 tyka mo na i myday kapag kumpleto na gamit para isang sitahan nalang wala na syanh magagawa kse nbli mo na lahat heheh

edi hide mo po sya or i undfriend po. ganon lang naman, tayo umiwas sa mga toxic kung di nila kaya umiwas. mas lalo kalang maiistress sa ganyan mii

mag thank you nalang po kayo sa kanya in advance miii sa ibibigay nya sa inyo sa sept. hehe :) then wag nio po pansinin ung mga comment :)

2y ago

mabuti po sana kung ganon eh di naman po ganon kasi ilang beses ng nagpupunta laging ang bungad "oh may gamit na kayo daming pera ha! yamaaan!!" parang ang sarcastic lng. Tsaka never naman ho akong nagtaray saknya. To be honest pagkausap ko siya laging po at opo marespeto kasi ako sa mas older sakin lalo sa parents ni hubby. Kaya madalas pag may attitude siya sa kay hubby nlng ako nagrarant. And kung alam niyo lang kulang pa yung ilang thank you sa always kong pagtthank you sknya. Di ko lang talaga gusto ugali niya in terms of pangingialam o pagdedesisyon. Kasi asawa ako pero kinakausap niya hubby ko para sundin yung gusto niya ni hndi man lang binibgyang pansin yung desisyon o opinion ko. Buti nlng si hubby ang laging sagot niya pagusapan namin dalawa ni (insert name ko*). Hindi lang din sa bata maraming beses na since di pa ko buntis. Dika makakagastos ng pera niyong mag asawa pag nandon ka sakanila kasi laging pinupuna.

tigilan nio nalang po mag post sa MyDay nio ..at ituloy nio lang Ang pagbili Ng gamit Kung Yun Ang makakapagpasaya sayo ..

toxic po talaga mg biyenan charooot 😅 i mean po nakakainis man po sabihin wala po tayo magagawa sa kanila hehehe

Basta gawin mo mi kung ano ikakasaya mo, wag mo pansinin baka kasanayan nya yan hanggang paglaki ng baby mo.

Kung bet na bet mo talaga mag MyDay para wala ka problema except mo nalang kay MIL.. Para hindi niya makita