Help po mga mie

Hello mga mie. Maglalabas lang ng sakit sa damdamin. Napapagod na kasi ako. Pure bf at 1 month na kami ni lo. Gusto ko lang kasing may katuwang sa gabi at buong araw. Gets ko naman may work si husband ko non. Kasi sa gabi naiistress ako,malakas hagok niya pati si baby nagigising. Tapos kung gigisingin ko naman siya wala sa wisyo parang hindi niya mababantayan si baby kapag hawak niya kaya hindi din ako nakakapagpahinga. Tapos one time sabi ko madaling araw mga mag5am na. Sabi ko ikaw mag burp at sleep lang ako saglit. Ang ginawa ay wait lang tapos puntang higaan tulog. Nag usap kami sinabi ko na kung gets ba niya kung bakit ko siya ginigising sabi niya oo daw. Tsaka hindi naman daw ako nasasastisfy sa mga puyat niya,napaisip nama ako e one time lang niya ginawa un sa buong buwan. Kung puyat naman ay swerte ko ng kasama siyang hanggang hating gabi. Tapos kapag gigisingin ko naman siya ay pahirapan pa. Ito nag usap kami ngayon sabi napapagod na ako kailangan ko din ng help,ayon hindi ako inimik with pag iyak ko pa yan. Iniisip niya siguro nagdadrama lang ba ako? Or baka ganun mga mie. Ewan. Sorry mga mie gusto ko lang kausap. Ayaw ko kasi sabihin sa family ko sa province. Kaya kimkim lang ako. Thank you

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Most of Daddies ganyan Mommy. Kaya nung 1st 6mos ni LO ko lagi akong nagagalit sakanya then parang napuno siya sakin. Nag away kami tas narealized ko ako ang may mali. Pagod din sya sa work pero alam mo iba ang Nanay e. 24/7 talaga ang trabaho. Makakaluwag lang daw tayo kapag nakapag tapos na mga anak natin. Kaya embraced it. Masasanay ka din Mommy. Nung 2st 6mos ni LO ganyan thinking ko at lagi akong BV sa Asawa ko pero ngayon I can manage na. LDR pa kami ng husband ko at ako lang nag aalaga sa anak ko. Sacrifice talaga Mommy. Mag start ka sa pagtanggap na Nanay ka na, na Nanay na tayo. Na tayong mga Nanay ang laging nagsasacrifice, na tayong mga Nanay ang laging mag aadjust. Swerte na lang din natin na pinoprovide ng mga Partners natin mga needs natin and support.

Magbasa pa
1y ago

Thank you mie. Gawa na din siguro ng pagod at puyat kaya ganito ako. Minsan naiyak na lang ako sa gabi. Tsaka gawa din ng hindi pa nakakalabas para magrelax. Niyaya ko kasi si hubby kasama si lo para lumabas kaso siya naman puro busy.

Same tayo sis. 1month na si baby ko and naasar ako kay hubby tuwing madaling araw at ayaw tumahan ni baby, usually kasi ewan ba parang ayaw sakin ng lo ko di kasi nagpapatahan saakin pero kapag daddy nya tumatahan naman kahit papaano. Naiisip ko puyat na ko hindi manlang ba babangon to saglit kahit ipa kalma lang si baby. Minsan nag rireal talk kami sa isat isa, ang sabi nya “sige ikaw nalang magtrabaho” although kaya ko naman mag work degree holder naman ako, kaso naisip ko nanay ako, dapat sakin malapit si baby responsable ko to kahit 1yr lang then back to work na. Iba talaga responsibilidad ng nanay sa tatay kaya embrace the stress and sacrifices, worth it lahat yan.

Magbasa pa

I had similar experience with you lalo na sa 1st 2 weeks ko after giving birth. What we did to resolve the issue is to have a discussion talaga. Explain mo ung nararamdaman mo. Let him also explain his side. Have an open mind na may magkakaiba lang talaga tayong pagod at sacrifices for the baby. After namin magusap at mas maging open sa feelings namin after giving birth, mas naging smooth ung daily living namin with baby. At the end of all the puyat and pagod, isipin mo na lang din to cherish every moment na tayong nanay ang pinakaimportanteng tao sa life ni baby kasi mamimiss natin yan paglaki nya. Pag un ung naiisip mo lagi, mas mababawasan ung pagod at BV natin. 😉

Magbasa pa

Hindi ka nag iisa mie. First time mom din ako and isang buwan mahigit palang lo ko, hindi ko maiwasan maiyak minsan kasi di ko alam gagawin lalo na kapag hindi ko mapatahan si baby tas hanggang umaga nalang hindi pako nakakaidlip tapos si partner nakatalikod pa saamin matulog tapos sobrang himbing tulog nakakainggit na nakakasama ng loob. Pero ngayon unti-unti ko na na-aadjust yung katawan ko at tinatanggap ko ng buo na walang hanggan natong responsibilidad ko nato ng pagiging nanay. Hayaan mo lalaki rin si baby at matutuwa na tayo pag makakalaro na natin sila. God bless saating mga mommies 💕

Magbasa pa

hello Mamsh Hindi ka nag iisa sa situation mo hehehe..ako Mamsh pang 3rd baby ko na pero Dito ko lang naranasan mapuyat pero katuwang ko asawa ko nong mga first week ni baby pero nong nagback to work na xa ako na lang solo pero kpg need ko namn xa paminsan Minsan nagigising din pero lately naasar na ako Kase Sabi ko kahit 30minutes lng makatulog ako Kase mag uumaga na Wala pa ako tulog pero dedma lang ayon di ko pinansin kinaumagahan....pero that's life motherhood be like...kayA mo Yan Mamsh👊

Magbasa pa

Madami pala tayong mga walang tulog. Maswerte pa pala yong 2 hrs ko na tulog😅 pag minsan. Tiyaga lang mga mommy at wag na magdagdag ng anak 😅 sabi ko nga sa asawa ko tama na itong isang anak namin mahirap pala mag alaga ng newborn

Hindi ka nag iisa Mommy, minsan may mga gabing maiiyak ka na lang dahil sa pagod at puyat 😥. pero kailangan nating magpakatatag, kakayanin natin lahat para sa mga babies natin ☺️

same tayo mami. sobrang nakakapagod. iyakin pa lo ko tapos meron pa ko 10 yrs old. halos di ko maasikaso. wala rin makatuwang mag alaga kay baby.

Thank you po mga mie!