14 Replies

ako po 14weeks and 4days preggy naka bedrest din po ako, bawal din ang stress skn, kaya lahat ng stress nilalayuan ko na muna., pero yung ganyan na nanakit na asawa mo its not normal, its your choice na po.. kung gusto mo po maging okay ang anak mo then you should choose your health first, wag po naten hayaang sinasaktan ka ng ama ng anak mo., its not good lalo sa anak mo, lalo pag lumabas yang bata. kung gusto nya magbago magkukusa yan.

Your not being selfish kung iiwan mo siya, mas ok sa bata lumaki na broken family kaysa dysfunctional family. Baka paglabas ng anak mo siya naman bugbugin. Ang dami lumaki nanbroken family pero masaya sila as long as may parents na nagmamahal sa kanila. Edi huwag kana magasawa ulit focus lang sa anak mo, kahit wala ang ama niya ok lang as long as safe siya. Kasi tayong ina ang may kakayahang mamili sa magiging ama nila kaya choose wisely. Yung kapit bahay namin simula bata naririnig ko ng magbabago daw sabi sa asawa at anak hanggang ngayon wala pa din nagbago

Please isipin mo mo rin yung safety niyo ni baby. The more na mag stay ka sa ganyang klaseng relationship, the more you're putting yourself and your baby at risk.. I know it's easier said than done, pero alam mo naman na siguro na mali yung ginagawa sayo and yet you're saying na worried ka because high risk yung pregnancy mo ( it doesn't make sense ) 🤷🏻‍♀️ so please do yourself a favor and walk away.

Mas maawa ka sa anak mo na lalaki siya sa ganyang ama, mas okay na wala siya kesa naman nakikita niyang ganyan at saktan niya din anak mo. Ano hihintayin mo siyang magbago. Kaya dapat tayong mga babae may sariling kita, kahit sa anak ko itinuturo ko na dapat self sufficient sila para kung itrato sila ng mga lalaki sa paraang alam nila hindi nila deserve they can walk away. Madalas kasi hindi lang makaalis ang babae dahil si lalaki nagproprovide for him. Nakakalungkot.

Much better na mahalin mo sarili mo at ang baby mo . Lumayo ka muna sa mapang abuso mong asawa hindi maganda yan lalo bawal ka mastress go to your family kung saan safe kayo ni baby. hindi pag mamahal tawag dyan sa ginagawa ng asawa mo at the first place hindi nya iniisip baby nyo to think na buntis ka hays

Go away momsh! Isumbong mo sa pulis. Hindi mo kailangan ng ganyang lalaki at kawawa si baby mo kung lalaki siya nakikita kang sinasaktan at baka pati siya saktan. Love is not enough at kung ganyan ginagawa sayo hindi yan love. Go away lakasan mo loob mo.

alam mu mi pag mahal ka nyan hnd ka sasaktan ..at wlang matinong ama na ipapahamak ang anak neto lalo pa at nsa loob mu plng,d baleng wlang ama anak mu kesa gnyanin ka mas mahalin mu anak mu at sarili.😭

Aanhin ng anak mo ang buong pamilya kung hindi naman masaya at ligtas. Kung bawat araw natatakot siya na mapatay ng tatay niya ang nanay niya sa bugbog at sa takot na siya ang susunod. hindi yun kaayaaya.

wag kang matakot na iwan yan. ang matakot ka, pag laki ng anak mo. dalawa na kayong bubugbugin nyan. wag mo ipahamak ang anak mo.

salmt mga mi.. ngyon umlis n sya s bhy nmin tttgan ko nlng tlga pra sa ank ko aykong mrnsan nya lht ng sket n nrnsan ko

ate gurl wag mo na yan i ask dpat lumayas kna jan sa asawa mo buntis ka san ka mkakakita na binubugbog .

Tignan mo yung nasa tulfo, nagsipag bago ba yung mga mapanakit na asawa. Baka pasalamatan ka ng anak mo na iniwan mo yang tatay niya.

Alam mo kung anong gagawin takot ka lang gawin yun. Magipon ng ebidensya at kasuhan. Iwan mo siya.

mi kng gnon lng sana kdli kso naaawa ako sa anak ko..

Kung hindi ka nirerespeto ng lalaki hindi ka niya mahal.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles