Hi mga mamsh

Mga mi sino po dto kinaya ang mag alaga kay baby ng silang dalawa lang ni hubby? Kahit walang katuwang sa pag aalaga? Kaya po kaya ng ftm?

48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mamsh FTM here habang nag tatype ako ngayon gising kaming dalawa ng asawa ko palitan kami kasi masama pakiramdam ng baby ko sinisipon. me pasok pa ko mamayang 8am tapos gigising pa ko mamayang 5:00am 2:20am na ngayon. pero kakayanin para kay baby, kami lang din dalawa ng asawa ko wala kaming katulong simula pag panganak hanggang ngayon puyat puyat parin pag galing kong work ako naman papalit sa asawa ko. after ko mag leave pinaalagan ko baby namin asawa ko din me work nuon pero di kinaya kaya pinag resign ko nalang husband ko. mahirap kasi mahal ang bilihin napupunta lang din sa mag aalaga ung perang dapat naiipon namin. ngayon kahit short alam ko naman na naaalagaan namin ung baby namin ng maayos at nasusubaybayan ang paglaki. kahit nagkakanda utang kahit ako lang me work kakayanin matatapos din lahat ng problema. mas ok sana dalawa kaming me work para makapag ipon para kay baby kaya lang walang mag aalaga sa kanya pinag iisipan sana namin ipaalaga sa nanay ng asawa ko pero nasa province ormoc leyte pero ayaw din namin kasi 7 months palang baby namin ayaw naming mawalay sya samin naiisip ko palang maiiyak na ko. kaya kahit mahirap tiis lang muna pray lang ng pray kay lord lahat kakayanin. kaya ikaw mamsh kayo nyo yan ng hubby nyo basta tulungan lang kayo. di maiiwasan maging mainit ulo ng isa sa inyo dahil parehas kayong pagod pero wala tayong magagawa intindihan nalang kayo, magtulungan parin kayo at kayang kaya nyo din yan promise ❤

Magbasa pa