Hi mga mamsh
Mga mi sino po dto kinaya ang mag alaga kay baby ng silang dalawa lang ni hubby? Kahit walang katuwang sa pag aalaga? Kaya po kaya ng ftm?

Hi Mii. Share ko lang po experience ko. Yes po kaming dalawa lang ni hubby ang nag aalaga sa anak ko. Walang katuwang kahit kasama namin mother ko sa bahay😔. Simula pagkapanganak ko sa ospital hanggang sa paglabas at ngayon 1yr 8m na ang baby namin nakaya namin na kami lang at walang katuwang. Nagta trabaho ang asawa ko hanggang Saturday. Sunday lang off nia. Maghapon ako nag aalaga sa baby namin, pati pagligo di ko na magawa. Iihi at poop kasama ko sa cr baby namin. Magluluto ako buhat ko siya. Breastfeeding din ako until now. Makakaligo lang ako pagkagaling pa sa work ng asawa ko at saka lang makakagawa ng ibang gawaing bahay pagdating ng asawa ko. Mii kaya mo din po yan kahit ikaw lang, mas masarap na tayong magulang ang mag aalaga ng anak natin, masusubaybayan pa natin sa araw araw. Kung working ka naman po Mii, no choice po kundi kailangan talaga ng katuwang sa pag aalaga. Maglaan nalang po ng quality time kay baby importante po kasi yun. Go Mii kaya mo yan! 😊☺️
Magbasa pa


Full time Mom!