Halak? Overfeeding?

Mga mi sino na po dito naka experience sa baby nila na parang tunog baboy po yung ilong niya. Parang barado po ganun. Naririnig ko minsan sakanya pero wala naman pong sipon si LO.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Na-experience ko po yan nung 1st month ni baby and, as a FTM, dinala ko agad sa pedia kasi naiistorbo yung sleep nya. Salinase and suction (nasal aspirator) lang advise, momsh, para lumambot yung bara. Sabi na-irritate yung ilong from overfeeding kaya nagkakaganyan. Pero di naman madali iwasan overfeeding kaya salinase na lang everyday. Nalalabas sa poop instead na nakabara lang sa ilong.

Magbasa pa
3y ago

2-4 drops ng Salinase sa ilong then suction agad. Pasok mo lang yung tip nung suction make sure hindi sagad sa dulo. Medyo scary gawin yung suction kasi parang kawawa si baby. Gawin mo before feeding or sleep nya 2-3 times a day. Maintenance na namin yung Salinase ngayon pero di na namin gamit suction at every morning na lang. Sa poop na lang sumasama yung mucus. Siguro kung di naman malala pa yung case nyo, pwede na rin yung Salinase lang 2-3 times a day.