Unbothered father

Hello mga mi. Share ko lang po itong kwento ko sa inyo dito since hindi ko po maiopen sa family ko ngayon. Yung father po ng dinadala ko ngayon hindi sya nagsusustento ng kahit magkano o ano sa akin. Hindi naman nya sinabi sa akin directly na hindi nya tinatanggap yung bata pero base sa mga actions nya eh ganun na din yung meaning. Tinanong nya po ako kung may naka sex pa daw po ako weeks or months before or after ng may nangyari sa amin kasi po dun na nya lang sinabi sa akin na yung semilya nya daw po is mababa ang chance na makabuo ng bata, pinakita nya pa sa akin result ng semenology test nya sa akin. Kaya nga daw po sa ka live in gf nya before na 4 years eh wala daw po silang nabuo na bata. Pero sya na rin po mismo nagsabi sa akin na hindi imposible na makabuo yung semilya nya. Jusko, ikaw ba hindi ka magtataka na nakabuntis ka, pinasok mo yung etits mo sa kipay ng walang condom at tsaka fertility window ko po yun nung nagsex kami twice. Nung nagusap na po kami about sa sustento (check up, vitamins, milk) ang sabi nya po sa akin ay hindi daw po sapat yung sweldo nya 8k per cut off para makapagbigay sa akin para sa monthly expenses ko sa amin ng pinagbubuntis ko. Kaya po from private hospital and ob, lumipat pa ako sa public kahit malayo sa amin, tinitiis ko na lang po yung mahabang commute at pila dahil nga po public. Sa madaling sabi po, pinabayaan ko na sya at hindi ko na kinausap dahil nakakagigil lang mga alibi nya na wala namang kwenta. Btw, may work po ako before and nagresign po ako nung nalaman kong buntis ako dahil maselan po ako at bawal sa work ko ang buntis (online casino dealer). Sa ngayon po ang ginagamit kong pera para sa lahat ng pregnancy expenses ko is yung naipon ko from my previous work. At ang kasama ko po sa lahat ng lakad ko ngayon is ang papa ko na senior citizen. Ang nakakabwisit na part po ay nakita ko sa fb post ng lalake na nasa boracay po sya ngayon na nageenjoy samantalang ako eto nagpapakahirap para sa bata. Pinagppray ko na lang kay Lord na healthy ang baby ko hanggang sa paglabas at paglaki nya at naniniwala naman po ako sa karma. Gusto ko po sya imessage about ulit sa sustento kaso baka wala nanaman pong mangyari at mabwisit lang ako sakanya. May inoffer po sya sa akin na bare condo unit sa manila bilang yun na lang po ang sustento nya sa amin 🤦🏻‍♀️ ang siste po eh ako pa ang magpaparenta ng unit at kung ano ang kikitain eh ayun ang magiging sustento nya. Binigyan pa po nya ako ng obligasyon na dapat eh sya ang gumagawa. Nalaman ko pa po na hindi pa naman pala nya fullu paid yung condo unit kaya pala ang lakas ng loob sabihin na itatransfer daw nya sa pangalan ko yung mga papeles. Nakakapangatog lang po ng laman sa totoo lang. Mga mommy or daddy, may massuggest po ba kayo na maganda at legal way para matakot naman sya ng konti at kilabutan sa mga pinaggagawa nya. Nakaka stress po sya sobra, hindi ko na lang din masyado iniisip dahil napaka wala namang kwenta. Salamat po sa pagbabasa ng mahaba. #firsttime_mommy

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pwede po kayo pumunta sa PAO para ireklamo siya, libre po yun pero maselan po pagbubuntis nyo baka makasama pa sainyo. Hayaan mo na lang si Lord ang gumawa ng revenge para sayo. Sabi nga ni Lord, "it is mine to avenge, I will repay."Naniniwala ako dyan kasi sa lahat ng mga nagkaroon ng kasalanan sakin, pinaparusahan Niya. I admire your bravery na iwan siya. Di lahat ng babae, kayang iwan yung partner dahil sa lalaki daw ng walang tatay ang anak pero di naman nagpapakatatay. God Bless you and your heart po.

Magbasa pa
3y ago

Thank you po mi. Saan po yung PAO? Tatanggapin po ba nila yung reklamo ko kahit buntis pa lang ako at wala pa ko katibayan like DNA na patunay na sya ang biological father?