BACK PAIN!

Mga mi normal lang ba na sumaket yung likod pati mga buto buto mo? May gamot ba dito or pwede kahit haplas lang hays sakit kase :( #1stimemom #pleasehelp #22weekspregnant

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

opo normal na sumakit lahat. sabi din ni ob ko marami daw talagang di maexplain na pain ang mga buntis. ang special ng mga nanay talaga no? naaamaze pa din ako sa threshold of pain natin pag nabuntis. hehe. anyway mommy, dadami pa masakit sayo. lalo sa bandang balakang. ginagawa ko po pag di ko na kaya ung pain papayakap ako kay husband tapos papahaplos ko ung balakang ko. as in haplos lang walang pressure. gusto ko lang mafeel ung init ng palad nya. dati mama ko ung gusto kong gumaganun sa kin pag may masakit sa kin mainit din kasi ang kamay nya. try mo din magyoga. marami sa youtube depende sa kung anong trimester mo na. doon din ako pinapanood ng ob ko. kakayanin natin to mommy!

Magbasa pa
3y ago

ay sis pareho tayo. minsan magugulat pa si baby kasi pag may pumaltok pag ginalaw ko hita ko. nagcacalcium ka ba sis? don't forget ang calcium. kasi kailangan natin yan. 😊. pero sa pain tiis lang talaga.