Hello mga mi. May katanungan lang ako dahil ako'y stress na stress na.
Hindi kami kasal ng partner ko, so sa akin ang anak namin (1 yr old) at obligado syang bigyan ng suporta dahil sya ang ama.
Ang sinasabi sa akin ng ex-partner ko, gusto nyang makasama ang anak namin ng 4times a month pero ang gusto ko lamang ay 2times a month. Nagharap kami sa brgy pero ayaw nya pumayag sa gusto ko, at ang sinasabi nya ay hindi ako "fit" para palakahin ang anak namin, knowing na may trabaho ako at nakatapos ako sa pag-aaral. Isa pa sa sinasabi nya e nakikita nya akong nag-iinom, which is occasionally at umaalis lang ako kapag napatulog ko na ang anak namin. Plus, sinisilip nya na ang bahay daw namin ay makalat (madami talaga kaming damit) pero maayos naman na tirahan. Sinabi nya na mas giginhawa anak namin pag nasa kanila kasi mas maayos ang bahay nila sa amin. Grounds ba yon para masabi sakin na kelangan nasa kanila ang bata? Ni hindi nga nya inaalagaan ultimo hugasan ang anak nya kapag nag-poop na.
Gusto ko po ma-empowered dahil sobrang stress na ako at halos parang sya pa ang kelangan masunod sa lahat lalo na sa kung ilang beses dapat hiramin ang anak nya.