Shopping for baby needs
Hi mga mi first time mom here ask ko lang if too early ba ngayon to buy my baby's needs i 'm currently 6 months pregnant. Excited na kasi ako haha if it's too early like kailan ba ang pinaka ideal time para mamili? Thank youuu
Ok na yan momsh mamili. Kami po nagstart 4 months ✨ okii na halos ang pang-hospital bag. Konti na lang kulang like wipes, cotton balls, diaper, etc kasi plan namin pag malapit na tsaka nalang bilhin mga yon. Pero yun pa lang po nabibili namin, tsaka na ang mga big items like stroller, etc. More on damit lang po muna binili namin, iba iba sizes at konti lang pang-newborn kasi mabilis daw makalakihan.
Magbasa paMe 5 mos puro add to cart pa lang haha. Hindi kasi nagpakita yung gender nung nagpaultrasound ako kaya di makapagcheck out. I read somewhere na kapag baby essentials make sure lang na matagal pa yung expiration dates, and wag muna bumili ng bulk since hindi pa tayo sure kung mahihiyang dun si baby. Yung mga gamit, wala namang restrictions kung kelan ka dapat bumili.
Magbasa paNag start po ako bumili nung 16 weeks po ako. And pag nakapag start ka na bumili ng mga gamit ni baby hindi mo na mapigilan sarili mo kaka place order. 😅 I’m 20 weeks now, almost complete na gamit ni baby kahit wala pang gender, puro neutral colors mga binilibili ko sa knya na newborn clothes and other baby stuff.
Magbasa pakebs lang siguro mi, kase di naman po siguro natin afford nag hord ng baby needs and essentials hehe exicited sabi ng iba pero para sakin masarap sa pakiramdam na unti unti bukod sa diko kaya gulpihin e di rin masakit sa bulsa ... mas magandang ready kesa sa unready mamsh hehe
sakin 12weeks palang bumili nako ng baru baruan at pajama pero all white lang muna then sa mga onesies naman is bigay lang ng mga kaibigan ko na may anak na lalaki din ☺️ now need ko nalang diaper at essentials ko at ng baby ko 6months na kami sa monday ☺️
sa tingin ko po pwede nyo na po unti-untiin pamimili mommy kasi lalabhan nyo pa po yan. Yung iba po by 8 months kumpleto na nila at nalabhan na din kasi anytime soon pwede na dumating si baby pag ganoong month. kahit ihuli nyo nalang po yung may mga expirations.
Walang too early sa nanay na excited 😊😊.. Gow lang mamsh especially alam mo na ung gender or kung hindi pa, settle muna sa unisex items.. I think, mas maganda nga kung inuunti unti na para hindi mabigla sa gastos.. push mo na yan mamsh..
Hello. 5 months ako nagstart mamili. Puro online nga lang kasi pandemic nuon.