6 Replies
Calm down po Mommy.. based po sa pagkabasa ko nararamdaman ko ang Kaba at takot niyo po.. normal lang po yan mommy naramdaman niyo mi Pero nagawa niyo na po mapatingnan sa doctor at napa ER niyo na.. Buti nga po maagap kayo.. ang maganda gawin mo ay Kalma ka at Sundin si Pedia na obserbahan si baby.. tingnan mo kung may naiba sa kinikilos niya like parang nahihilo siya yung di pa nakakadede nakakatulog agad. o kaya nagsusuka.. kung wala naman po kayo mapansin kakaiba at naglalaro naman si baby.. ok po siya Pag ganon🙂 at ingatan nalang po lagi ang baby... kung hindi kaya ibaba sa sahig ang kama mas mainam po na may Crib si baby at dun na matulog... Tandaan mas lalo pa lilikot Pag nakakagapang na kaya ingatan si baby... btw ang panganay ko nung 3mos nahulog din sa bed at pinatingnan namin sa pedia so far wala naman naging problema hindi din Pina CT scan ngayon 7yo na siya ... at eto naman 1yo bunso ko iniingatan ko din kasi gusto lagi kami magkatabi Pero Pag sobra antok na ko nililipat ko na siya sa playpen at dun natutulog... Godbless mommy at pray ka palagi... Ok yan si baby 🙏
Hi momshie! Ramdam ko po yung takot niyo, dame po tayo ng experience nahulog din sa upuan naman sakin yung baby ko nung mga 4 months siya, and ang advice po ng pedia namin is observe and tignan if may changes sa kanya like, if nagsusuka or tulog ng tulog. And then nung pangalawang araw, don na ako nagpanic kasi sobrang laki nung bukol niya at malambot sa may right side so dinala na agad namin sa ER. Pero during that time wala naman ibang pagbabago kay baby except dun sa malaking bukol. Pinact scan namin and sa awa naman ng Diyos, okay naman ang result. Inadvice lang na, iwarm compress siya every day para madaling magsubside yung bukol. Mga 2 weeks din bago nawala yung napaka laking bukol. Doble bantay po tayo, and hindi po maiiwasan ang mga accident wag masyado maguilt trip.
Aku po d na nag pa xtray at ct scan okay nmn po baby ko ngaun mas malikot na
parehas tayo walang perfect mommies :) hindi natin maiwasan sisihin sarili natin. baby ko din nahulog sa cemento noon, okay lang nmn sya ngayon mag 4 y.o na sya nxt month :)
Thank u mi ❤️
Mii nalaglag din ako sa papag nung baby pa ako, lupa pa yung binagsakan ko. Okay naman ako ngayon ☺️😅🥰
dalawang pamangkin ko nahulog sa kama nung 3months sila. so far oks naman sila. malalaki sila ngayon.
Thank u mi ❤️ hays sobrng pranoid lng aga aku siguro
Kumusta baby niyo Mii,pag nilagnat po yan sya matik may something.
Okay nmn mi wala pong lagnt thank u lord po❤️
Anonymous