FTM here 30 weeks pregnant
Mga mi baka po pwede manghingi ng tips and help kung ano yung mga essentials needs ni baby na proven and tested niyo na. Like sa wipes, bath soaps, diaper etc. 30 weeks na po ako now and until now hindi ko pa din alam ano mga uunahin ko. TYIA po mga mi.

Basic na ang mga diaper, newborn clothes, etc. Pero bukod dito, Ito ang mga MUST HAVES for me (mom of two) 1) Dry wipes/cotton pads na binabasa ko ng pure water pampunas ng pwet - ang wet wipes maraming chemicals that can cause more rashes, even the unscented ones may preservatives. Manipis ang balat ng babies kaya mas nakaka-absorb ng harmful chemicals from regular wipes. Plain water is the BEST. 2) Mild cleansers for bathing from trusted brand. Choices ko ang cetaphil, mustela, or lactacyd kung may budget. Hindi nahiyang ang mga anak ko sa tinybuds. 3) Nasal Aspirator and saline nasal drops. Madalas barado ang ilong ng babies kaya iritable sila at minsan hirap magdede at matulog. Kung matanggalan sila ng bara sa ilong/sipon mas makakaginhawa sila at relax lang magdede at matulog. 4) Diaper Cream. Recommended ko ang Drapolene or Calmoseptin. Mabilis makawala sa diaper rash. 5) A good fit breast pump. Hindi kelangang mahal basta tama ang fit ng pump sa nipple size mo. Kung plano mo mag breastfeed/pump (and i highly recommend and advocate breastfeeding), makakahelp ito na dumami ang milk supply mo. 6) Mahabang pasensya at pagmamahal. Mahirap ang bagong panganak. Nothing ever really prepares you for it. Mapupuyat ka, mapapagod, at lahat ng matinding sakripisyo. Ibubuhos mo ang sarili mo sa pag aalaga ng baby mo kaya kelangan meron ding mag alaga sa iyo. Whether si husband mo, parents, in laws etc. always ask for help. Pero sulit talaga ang sakriprisyo ng motherhood.
Magbasa pa



Mumsy of 2 playful son