What type of rash is this?πŸ˜”

Hello mga Mi, ask ko lang sana ano type ng rash eto? Natapos na namin 7 days cetirizine drops ni baby na advice ng Doc kaso still the same. Nag-aaply din naman ako ng cicastela. Pero ayon nga, humuhopa saglit tapos babalik na naman. Sa face lang siya meron nito. Worried na ako kasi ilang months na to sa kanya.

What type of rash is this?πŸ˜”
25 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

on my first born, nagkaroon sia ng rashes sa face. tinanggal lang namin ang fab con and perla na rin ang ginagamit sa damit and bra ko since dumidikit un sa face ng baby during breastfeeding. nawala sia eventually, na wala kaming pinapahid. ginawa namin ulit sa second born ko, hindi sia nagkarashes sa face. however, nung gumamit ako ng whitening soap, nagkarashes sia below the mouth. so tinigil ko rin. eventually, nawala rin. based from experience lang po.

Magbasa pa

Ganyan din sa taas na part ng rashes ng baby mo momsh lumabas sa 1st born ko (6yo) pero sa legs and arms naman. Vitamin c (ceelin) muna pina inom sakanya if di daw mawala cetirizine na. Nag okay naman sya after 3 days taking vitamin c lang.

ganyan din yung sa baby ko nung 2nd week nya nagpalit ako ng sabon nya panligo binigay ni pedia Cetaphil cleanser lang wala na iba ilang araw lang makinis na sya di rin kami gumamit ng fabcon at bleach perla lang sa damit nya

Parang eczema. ganyan kay LO ei namamana niya sakin nawawala tas babalik. Cethapil moiztorizing cream at atopiclair nireseta sa kanya, hypoallergenic rin ung milk pati mga sabon panlaba at pangligo. ngayun hindi na bumabalik.

may ganyan din si babay ko ganyang spot ng face nya nung 2months old sya di nawawala hnggang na try ko in a rush ng tiny buds lahat gamit ni baby ko tiny buds im not a seller or indorser base on my experience lng po

Momsh try mo po yung physiogel a.i cream. may ganan din po si baby ko and sad to say sabi ng pedia nya is pabalik balik lang po talaga yan, iwasan po mainitan or pawisan sya kasi isa po yun sa nagttrigger..

Bepanthen itch relief cream ang nireseta ng pedia sa baby ko.. Effective at steroid free sya kaya Hindi harmful.. Try nyo po. Tyaga lang din sa pag pahid. Manipis lang po ipahid 2x/day (morning and night)

2y ago

Yes pwede po sa face ni baby basta manipis lang ang pag apply. Di nmn po need ng reseta

mii try coco derma cream mawawala yan in just 2-3days natural product un effective pa,ngkagnyan din baby q ngpachek up aq sa pedia hndi gumaling anak q sa cream na nireseta nila..

looks like ringworm (buni) to me. madalas niyo po ba i-kiss si baby? If yes, please refrain from doing it muna kasi we can transfer germs from our lips/saliva to their skin.

2y ago

Uan din tingin ko. Mas mabuti siguro pacheck nya sa derma

Mukha Pong ring worm Yan...ganyan din anak ko dati, more than a month din nag stay sa Mukha nya b4 nirisitahan. ointment nirisita sa kanya. subrang effective nawala agad.