āœ•

7 Replies

Ganyan din ako ngayon. For urine culture na dahil mataas pa rin ang UTI ko kahit nag take na ako ng cefuroxime. Ang iniinom ko na lang ngayon: Buko Juice, Anmum at Tubig. Wala nang iba. Iwas sa mga softdrinks, juices lalo na yung tinitimpla, milktea, etc. Kahit minsan gustong gusto ko uminom. Nawala yung pananakit ng puson at puwet ko. Hindi na rin masyadong nagkakaroon ng discharge. Tapos more on gulay ako ngayon, madalas yung dahong gulay: Talbos ng kamote, kangkong, pechay, saluyot, malunggay, etc. 5 months na kami ni Baby. Team October. šŸ˜„

Na experience ko din yan before mi. Twice nung First Trim nag reseta OB ng antibiotics at papampakapit Pati nung 2nd Trim. Puro tubig lang ako , Buko Juice at Cranberry Juice, Awa ng Diyos šŸ™ ngayong 3rd Trim ko okay naman yung Culture Test ko. Iwas ka muna sa kape, softdrinks kahit anong may kulay na inumin yan payo ng OB ko. #30weeksPreggy #TeamSept

Balik po kayo kay OB. Ganyan din ako, parang every trimester may UTI ako pabalik balik. Natatakot na nga ako baka maapektuhan si baby pero buti sinunod ko si OB kasi napaanak ako ng maaga, buti na lang na treat na finally UTI ko. Or else pwede mahawa si baby tapos sya kawawa pag nag stay pa sa hospital for antibiotics

Uminom ng appropriate amount of water tapos buko din syempre. Umiwas sa maaalat na pagkain. Magpalit ka palagi ng undies tuwing iihi ka. Ako tuwing umiihi ako naghuhugas ako ng private part ko, nandidiri kasi ako kapag nararamdaman ko na basa, sobrang uncomfortable sa pakiramdam.

Iwas sa maalat, mas okay kung ang itake niyo po vit c na non acidic. At mas ok kung magpacheckup po sa doctor..

Usually po kasi ascorbic acid. Yung vit c na non acidic naman po sodium ascorbate

Wag din sobrahan sa tubig sis,lahat ng sobra ay di maganda.

pandan leaves ganyan ako natanggal

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles