PRONE SA UTI ๐Ÿ˜ฎโ€๐Ÿ’จ

Hi mga mi, antaas kc ng uti ko kahit nung hindi ako buntis, prone talaga ako. @10w nag antibiotic na ako, tapos may suppository para sa yeast infection. Gumaling ung sa yeast infection ko nawala discharge. kaso kahapon ansakit ng tagiliran ko, andami kong nainom na tubig mejo humupa ung sakit. Tapos ngayong madaling araw, nagising ako sobrang sakit ng puson ko ihing ihi na ako. After ko umihi ansakit pa din ng puson ko, natatakot ako 14w na ako ngayon. Problema ko talaga pag natutulog ako, pag gising ko ansakit na ng pantog ko. More than 2liters na water intake ko daily, minsan nagbubuko pa ako pero wala talaga. Pano nyo, napagaling uti nyo, hindi ba delikado sa baby kung magpapareseta na naman ako antibiotic. Any advise pls, 4days pa kc before may checkup.

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ako ngayon. For urine culture na dahil mataas pa rin ang UTI ko kahit nag take na ako ng cefuroxime. Ang iniinom ko na lang ngayon: Buko Juice, Anmum at Tubig. Wala nang iba. Iwas sa mga softdrinks, juices lalo na yung tinitimpla, milktea, etc. Kahit minsan gustong gusto ko uminom. Nawala yung pananakit ng puson at puwet ko. Hindi na rin masyadong nagkakaroon ng discharge. Tapos more on gulay ako ngayon, madalas yung dahong gulay: Talbos ng kamote, kangkong, pechay, saluyot, malunggay, etc. 5 months na kami ni Baby. Team October. ๐Ÿ˜„

Magbasa pa

Na experience ko din yan before mi. Twice nung First Trim nag reseta OB ng antibiotics at papampakapit Pati nung 2nd Trim. Puro tubig lang ako , Buko Juice at Cranberry Juice, Awa ng Diyos ๐Ÿ™ ngayong 3rd Trim ko okay naman yung Culture Test ko. Iwas ka muna sa kape, softdrinks kahit anong may kulay na inumin yan payo ng OB ko. #30weeksPreggy #TeamSept

Magbasa pa

Balik po kayo kay OB. Ganyan din ako, parang every trimester may UTI ako pabalik balik. Natatakot na nga ako baka maapektuhan si baby pero buti sinunod ko si OB kasi napaanak ako ng maaga, buti na lang na treat na finally UTI ko. Or else pwede mahawa si baby tapos sya kawawa pag nag stay pa sa hospital for antibiotics

Magbasa pa

Uminom ng appropriate amount of water tapos buko din syempre. Umiwas sa maaalat na pagkain. Magpalit ka palagi ng undies tuwing iihi ka. Ako tuwing umiihi ako naghuhugas ako ng private part ko, nandidiri kasi ako kapag nararamdaman ko na basa, sobrang uncomfortable sa pakiramdam.

Iwas sa maalat, mas okay kung ang itake niyo po vit c na non acidic. At mas ok kung magpacheckup po sa doctor..

1y ago

Usually po kasi ascorbic acid. Yung vit c na non acidic naman po sodium ascorbate

Wag din sobrahan sa tubig sis,lahat ng sobra ay di maganda.

pandan leaves ganyan ako natanggal