Pag-inom ng tubig ni baby

Hello mga mhie, any tips po para matuto/masanay uminom si baby ng tubig. 10months na si lo ko po, di sya marunong magsipsip sa sippy cup, di sya nagsisipsip sa bottle (ebf po ako kaya di sya sanay ng bote) nilalaro nya yung tsupon at pag pinapainom ko naman ng deretso sa baso nya, madalas nasasamid sya at inuubo kaya pakonti konti lang po inom nya ng tubig, minsan di ko na napapainom.

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

EBF din ako . ang ginawa ko dropper muna ng ilang araw then nag switch ako sa bote ayun dumede. mag start muna sa soft nipple yung pang 0-6months . pegion wide neck gamit ko na bottle sa kanya

Meron pong straw for babies na pwede ilagay sa bottle. yun po ginagamit ng baby ko for drinking water, nasasamid pa kasi siya sa cup.

yung baby ko po pinahawak ko lng ng baso na may onting tubig hanggng sa natuto

matututo din ya mii, ganyan din po panganay ko hanggang sa nasanay narin siya

Super Mum

try dropper. or pag kumakain small cup with little amount of water

tyagain mo lang mi. paunti-unti masasanay din si baby.

araw arawin mo lang po na introduce sa kanya

Offer mo lang offer mi, matuto din yan.