Tahi sa pwerta

Mga mhie, ilang weeks bago tuluyang naghilom yung tahi niyo sa pwerta after manganak? Pang 18days ko na ngayon and pansin ko masakit pa din yung tahi ko masakit pag tumatayo at naglalakad na parang karga karga ng pwerta ko yung bigat ng buong katawan ko tas di maganda amoy ng discharge ko till now may dugo dugo pa din pero iba yung amoy niya medyo nakaka dismaya di ko na din alam gagawin ko..

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

yung sakin po okay na di na masakit kahit ano pwesto ko 10days ko palang, pero yung tahi andon pa din pag hinuhugasan ko sya di na masakit kahit hipuin ko, betadine fem wash gamit ko everytime iihi ako at magpapalit ng pantyliner, sabi kasi nong nagtahi sakin sa gripo lang daw ihugas kasi pag mainit daw matutunaw daw agad ang tahi..kaya yon din rin ako umupo sa maligamgam basta hugas lang lagi at nung 1st 4days na nilalagyan ko napkin ko ng alacohol nakakafresh sa pakiramdam.

Magbasa pa
1y ago

baka po malalim pagkalitas sayo kaya ganyan matagal 😞 pwede ka na po siguro magpasingaw sa nilagang dahon ng bayabas kasi matagal naman na,