Tahi sa pwerta

Mga mhie, ilang weeks bago tuluyang naghilom yung tahi niyo sa pwerta after manganak? Pang 18days ko na ngayon and pansin ko masakit pa din yung tahi ko masakit pag tumatayo at naglalakad na parang karga karga ng pwerta ko yung bigat ng buong katawan ko tas di maganda amoy ng discharge ko till now may dugo dugo pa din pero iba yung amoy niya medyo nakaka dismaya di ko na din alam gagawin ko..

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

If may may amoy po discharge niyo better consult your ob. Better use betadine fem wash or gynepro fem wash, as per my ob may gamot na kasing kasama yang dalawa na yan kaya yan recommended niya, use it twice a day. 14days na ko, and may bleeding pa pero konti konti nalang and hindi siya masakit 😅 even after 5hrs of giving birth, ramdam ko na hindi nalamog ang aking keps. Nag pa follow up check up si doc 7days from the time i gave birth and very fresh pa ang wound so i have to go back again after 2 weeks. Free of charge naman yung post partum check-up sa ob ko hanggang mag 6weeks from the time of birth. Ask niyo rin po mga ob niyo 😊

Magbasa pa
12mo ago

Aw. Pero mi don’t worry too much matagal talaga mag heal tahi sa keps natin as per my ob nga no contact for 6 weeks muna kasi di pa healed tahi niyan, nasa 18days ka palang naman mi as long as walang foul odor and kakaiba sa discharge mo 😁 sa 1st born ko public hospital din ako nanganak, nakaka trauma as in lamog ang keps mo sa public hosp. 😅

yung sakin po okay na di na masakit kahit ano pwesto ko 10days ko palang, pero yung tahi andon pa din pag hinuhugasan ko sya di na masakit kahit hipuin ko, betadine fem wash gamit ko everytime iihi ako at magpapalit ng pantyliner, sabi kasi nong nagtahi sakin sa gripo lang daw ihugas kasi pag mainit daw matutunaw daw agad ang tahi..kaya yon din rin ako umupo sa maligamgam basta hugas lang lagi at nung 1st 4days na nilalagyan ko napkin ko ng alacohol nakakafresh sa pakiramdam.

Magbasa pa
12mo ago

baka po malalim pagkalitas sayo kaya ganyan matagal 😞 pwede ka na po siguro magpasingaw sa nilagang dahon ng bayabas kasi matagal naman na,

dipende po sa healing process ng katawan natin mi ako 21days na akong nanganak till now dipa talaga sya totally hilom minsan may hapdi parin gumagamit lang ako ng betadine fem wash wala kaseng dahon ng bayabas dto samin

12mo ago

Mag 3weeks na din po akin tas masakit pa din may natanggal na sinulid yung tahi sa labas ng pwerta pero nagdudugo naman di ko alam normal lang

hugasan mo po ng pinakuloan na dahon ng bayabas, yun po kasi pinanghuhugas ko nun 3days ko after manganak after a week po dko na po ramdam yung hapdi at nakakakita po ako ng maliliit na sinulid sa napkin ko

ako po noon 2weeks lang nag heal na. pa check up po kayo sa ob nyo

12mo ago

salo