Anong mabisang gamot sa pigsa sa ulo ng bata?

Hi, mga mamshie! Anong mabisang gamot sa pigsa sa ulo ng baby? May pigsa po kasi sya sa ulo, at isa lang iyon pero ngayon ay dumami na. Ano po bang mga gamot ang puwedeng gamitin? Please help po! Naawa na po kasi ako sa baby ko, hirap na po sya makatulog sa gabi. 6 months na po sya by April 11.

91 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kaya pala may na imbyerna sa tanong mo kasi severe case na ito and pinalala mo pa. Mabilis talaga kumalat yan kasi bacteria yan. Mabilis pag hindi nalilinisan ng maayos. Klaro din sa photo na hindi nalilinisan ng maayos. For now, kung hindi madali for you ang lumabas, linisan mo muna ng sulfur soap like Dr Kaufman ba yan or safeguard... then rinse ng maayos... i-wipe mo ng gentle lang para matanggal ang mga naninigas na dugo at puss... bili ka din ng Mupirocin ointment. Nasa 200-300 ang price nyan sa botika.. nabibili kahit walang resita. Itanong mo lang kung anong brand ang pinaka cheap. Pagkatapos mong linisan ang ulo ni baby, lagyan mo ng Mupirocin. Pakonti-konti lang ilagay mo. Iscatter mo ng maayos kasi kunti lang laman ng isang tube.. and nag tutubig yan kaya kunti lang ilagay mo just enough na malagyan lahat. Keep it dry. Linisan mo 3 times a day ang ulo nya and apply mupirocin twice daily. Gawin mo ito kung hindi ka talaga makalabas with baby or malayo kayo sa doc... if sa tingin mo hindi talaga sya natutuyo... by all means, dalhin nyo na sa doc especially kung magkakalagnat na sya.

Magbasa pa
5y ago

after nyo mag apply ng mupirocin, dumami? Then baka po nasa paglilinis nyo po ang prob. Mupirocin po kasi ang usual nya nirereseta ng docs kung grabe na ang bacterial prob sa skin... baka need na po magpa reseta ng antibiotics si baby pag ganun... nilalagnat po ba sya ngayon or may sinat?

Ano ang tamang gamot sa pigsa sa baby? May ilang mga bagay na dapat gawin upang hindi magkaroon ng impeksyon o lumala ang pigsa sa baby. Heto ang ilan sa mga ito: Panatilihing malinis ang balat Madaling kumalat ang bacteria ng pigsa sa baby. Kaya mahalagang panatilihing malinis ang balat ni baby. Kahit simpleng sabon lamang at tubig ay sapat na upang makaiwas sa impeksyon. Siguraduhin din na maghugas ng iyong kamay pagkatapos upang hindi ikaw ang mahawa ng sakit. Gumamit ng warm compress Para sa masakit na pigsa, nakakatulong ang paglagay ng warm compress. Siguraduhin din na malinis ang ginagamit na pang warm compress upang hindi magkaroon ng impeksyon. Huwag itong putukin o pisilin Hindi dapat putukin ang pigsa dahil maaari itong magkalat ng impeksyon, at sobrang sakit din nito kung putukin. Hayaan lang itong gumaling ng kusa sa bahay, at kung dapat putukin ay pumunta lamang sa doktor para wasto ang pagputok dito. Magpakonsulta sa doktor

Magbasa pa

Paliguan nyo po ung anak nyo. Maligamgam na tubig ipaligo. Sbunin ung ulo ng bata hanggng sa maclear na ung ulo nya lumabas ung mata ng pigsa. Make sure na ang ipupunas sa ulo e hnd ipupunas sa ibang parte ng katawan ng bata. Nakakahawa po kc tlga yn. Pag nakita nyo na ung mata ng pigsa. Gamutin nyo gamit ang betadine ang ipangpapahit bulak or cotton buds at kada isang pigsa papalitan nyo po ung bulak. Mabilis po yan gagaling. At make sure din malinis po ang pligid wag ipahwak ang bata kung saan saan. Napka hina ng immune system nila kaya konting bacteria or virus madali sila mahawa. Mommy konting linis nmn at ingat sa anak mo. Feeling ko napabayaan nyo tlga yn. Kala nyo simple lng kaya hndi napapansin. Wag muna puro social media ang unahin.

Magbasa pa

Gud morning po mommy. Mommy dalhin mo na po si baby sa hospital.magmask kayong dalawa at magdala ka ng alcohol.observe mo na lang social distancing. Hindi po sa jinajudge kita,i know first time mom ka.pero di yan excuse.tingin ko po napabayaan yang pigsa ni baby mo.kita sa dami ng pigsa at mga tumigas na dugo mommy.yan ang dahilan kaya dumami.yung bacteria hindi naalis,nagkaron pa ng pamugaran sa dami ng nana at dugong tumigas jan sa ulo nya.hindi nalilinisan ng maigi.kung ayaw nya ipaalis dahil masakit, gumawa ka ng paraan,iwarm bath mo mommy,hayaan mong magbabad sa warm water si baby..lagyan mo ng mga laruan sa paliguan nya para madistract habang sinasabon mo ulo nya.

Magbasa pa

need n I pa check sa pedia baby mo. kasi sobrang kumalat n yong mga sugat and worse n yong itsura..... wag mo ng patagalin kasi baka ma impeksyon baby mo sa ulo p naman..... pag baby kasi ibang gamutan kasi sensitive p mga balat nila..... not recommended ng pedia kung ano advise ng ibang tao pwde din sa baby mo. need ma evaluate ng pedia bago sya magreseta or advise ano dapat gawin. dapat palgi tayong observant sa mga babies natin... kahit p sabihing paranoid tayo.... kung may maliit ng mapula sa balat check agad. walang maliit o malaki basta unusual sa babies kasi hindi o nakakapagsalita ang baby kaya dapat ang mga nanay mapanuri at alerto😄

Magbasa pa
Expert

Good morning, from sa picture that you uploaded po, maaring si baby ay may Seborrheic dermatitis, pero kailangan pong mas maiging pagsusuri ng Pediatrician upclose para po mabigyan ng tamang lunas sa baby. Baka ito ay lalong lumala kung gumawa ng mga home remedy or sumunod sa mga nababasa sa internet na hindi verified. Iba iba po ang characteristic ng sakit ng bawat bata, kaya kailangan po specific sa kanya ang treatment. So best to see the doctor asap. May mga hospital with designated pediatric places po. TMC is just one of many.

Magbasa pa
Post reply image

Wag mo pakainin ng malansa baby mo para matuyo na sugat2 nya and kung nag papadede ka sa kanya, pati ikaw umiwas ka din muna sa malansa hanggang sa gumaling sugat nya..paliguan mo araw2 para mawala yung init ng katawan nya, sa init yan kaya ganyan,pagka gising ng baby mo paliguan mo na agad lagyan mo likod ng langis tapos mga hapon paliguan mo ulit..kung di mo alam kung ano papainom mo gamot sa anak mo, budburan mo na lang ng amoxicillin yung powder nun after maligo yung mejo basa pa yung sugat para kumapit yung gamot

Magbasa pa
5y ago

Opo nililinisan din namin ng agua oxinada po ata yun,di namn po ako basta2 nagagalit hehehe tsaka buti ok na yung anak ni ateng..pero kasi dibpa namn naranasan ng anak ko yung ganun ka lala kasi una pa lang inaagapan ko na at nililinisan palagi

Nagsisimula ang mga pigsa na matigas na bukol sa balat. Matapos ang isang linggo, sumasakit ito at napupuno na ng nana. Siguro ay naisip mong putukin ang pigsa, dahil mukha itong malaking pimple. Pero hinding-hindi ito dapat ginagawa, lalo na kung pigsa sa baby. Ito ay bukod sa sobrang sakit nito ay maaari itong magdulot ng impeksyon sa dugo kung basta-bastang puputukin. Kaya’t mahalagang putukin lamang ito ng mga doktor o professional. Hinding-hindi ito dapat putukin sa bahay.

Magbasa pa
VIP Member

sis ung ganitong sitwasyon ng baby mo di mo na dapat itanong yan dito kc dapat deretso mo na agad sa ospital to sis para matingnan ng doctor, mas tama ang ibibigay na gamot at advise sau pag sa doctor ka dumiretso sis kc malala na to eh kita mo puno na ulo ni baby.nakakaawa ni di ko kayang tingnan kc sobrang kawawa ang bata. di yan rarami kung naagapan mo.and u also have to make sure na malinis ang bahay nyo, ang higaan ni baby at mga damit nya. God bless you and ur baby sis.

Magbasa pa
VIP Member

sis ung ganitong sitwasyon ng baby mo di mk na dapat itanong yan dito kc dapat deretso mo na agad sa ospital to sis para matingnan ng doctor, mas tama ang ibibigay na gamot at advise sau pag sa doctor ka dumiretso sis kc malala na to eh kita mo puno na ulo ni baby.nakakaawa ni di ko kayang tingnan kc sobrang kawawa ang bata. di yan rarami kung naagapan mo.and u also have to make sure na malinis ang bahay nyo, ang higaan ni baby at mga damit nya. God bless you and ur baby sis.

Magbasa pa