Anong mabisang gamot sa pigsa sa ulo ng bata?
Hi, mga mamshie! Anong mabisang gamot sa pigsa sa ulo ng baby? May pigsa po kasi sya sa ulo, at isa lang iyon pero ngayon ay dumami na. Ano po bang mga gamot ang puwedeng gamitin? Please help po! Naawa na po kasi ako sa baby ko, hirap na po sya makatulog sa gabi. 6 months na po sya by April 11.

Kaya pala may na imbyerna sa tanong mo kasi severe case na ito and pinalala mo pa. Mabilis talaga kumalat yan kasi bacteria yan. Mabilis pag hindi nalilinisan ng maayos. Klaro din sa photo na hindi nalilinisan ng maayos. For now, kung hindi madali for you ang lumabas, linisan mo muna ng sulfur soap like Dr Kaufman ba yan or safeguard... then rinse ng maayos... i-wipe mo ng gentle lang para matanggal ang mga naninigas na dugo at puss... bili ka din ng Mupirocin ointment. Nasa 200-300 ang price nyan sa botika.. nabibili kahit walang resita. Itanong mo lang kung anong brand ang pinaka cheap. Pagkatapos mong linisan ang ulo ni baby, lagyan mo ng Mupirocin. Pakonti-konti lang ilagay mo. Iscatter mo ng maayos kasi kunti lang laman ng isang tube.. and nag tutubig yan kaya kunti lang ilagay mo just enough na malagyan lahat. Keep it dry. Linisan mo 3 times a day ang ulo nya and apply mupirocin twice daily. Gawin mo ito kung hindi ka talaga makalabas with baby or malayo kayo sa doc... if sa tingin mo hindi talaga sya natutuyo... by all means, dalhin nyo na sa doc especially kung magkakalagnat na sya.
Magbasa pa
Mama of 1 active superhero