Anong mabisang gamot sa pigsa sa ulo ng bata?

Hi, mga mamshie! Anong mabisang gamot sa pigsa sa ulo ng baby? May pigsa po kasi sya sa ulo, at isa lang iyon pero ngayon ay dumami na. Ano po bang mga gamot ang puwedeng gamitin? Please help po! Naawa na po kasi ako sa baby ko, hirap na po sya makatulog sa gabi. 6 months na po sya by April 11.

91 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ano ang tamang gamot sa pigsa sa baby? May ilang mga bagay na dapat gawin upang hindi magkaroon ng impeksyon o lumala ang pigsa sa baby. Heto ang ilan sa mga ito: Panatilihing malinis ang balat Madaling kumalat ang bacteria ng pigsa sa baby. Kaya mahalagang panatilihing malinis ang balat ni baby. Kahit simpleng sabon lamang at tubig ay sapat na upang makaiwas sa impeksyon. Siguraduhin din na maghugas ng iyong kamay pagkatapos upang hindi ikaw ang mahawa ng sakit. Gumamit ng warm compress Para sa masakit na pigsa, nakakatulong ang paglagay ng warm compress. Siguraduhin din na malinis ang ginagamit na pang warm compress upang hindi magkaroon ng impeksyon. Huwag itong putukin o pisilin Hindi dapat putukin ang pigsa dahil maaari itong magkalat ng impeksyon, at sobrang sakit din nito kung putukin. Hayaan lang itong gumaling ng kusa sa bahay, at kung dapat putukin ay pumunta lamang sa doktor para wasto ang pagputok dito. Magpakonsulta sa doktor

Magbasa pa