Hello Universe!

Hi mga Mamshie! Just wanna share with you my little bundle of joy. Name: Princess Janella DOB: June 29, 2020 11:31pm. Via Normal delivery 2.8 kilos EDD: July 3 on 1st ultrasound EDD: July 9 on last ultrasound. Super saya kahit super hirap dahil 3 days akong in pain. June 26 pa lang ramdam ko n yung sakit kasi 3cm na pala ko nun. Pinauwe muna kami kasi malayo pa nman. Kaso di nagpoprogress 3cm pa lang kahit super tagtag na ko kalalakad at nag evening primrose na..then, june 28 saka pa lang nag 5 to 6cm. Umuwe muna ulet kmi pra matagtag ulet at kunin na gamit nmin. June 29 10am bumalik kmi at yun bandang tanghali nakadextrose na ko. Lakad lakad pa rin.. Tpos bandang 9:30 pm nakaramadam ako na prang naihi ako pero hindi normal kasi sobrang dami umagos at nagleak na sa suot kong adult diaper. Tapos dinala na ko sa delivery room. Ang masayang part tinawag si hubby sa loob para makita nya kung gano kahirap manganak. Ganun daw kasi yung midwife na nagpaanak sakin pinapapasok nya sa loob yung mister at may pageexplain pa ng mga procedure na ginagawa. Naging instant assistant si mister sa panganganak. Way daw yun para marealize ng lalaki na hindi dapat balewalain ang mga babae dahil napakahirap manganak. Then, nagstart na ko magdasal sa kada hilab ng tyan ko. Tapos yung midwife supportive din lagi sya nagsasabi na kaya mo yan at wag ka mag isip ng nega.. Magfocus ka para mailabas mo si baby. Inhale exhale kpag may hilab or naninigas tyan mo dun ka umire.. Hirap na ko at pagod kasi walang matinong tulog dahil 3 days na kong in pain. Buti supportive din si hubby pinalalakas nya loob ko tapos nagdasal pa rin ako at sinabi kong "Lord, Mama Mary tulungan nyo kami ng baby ko, bigyan nyo ko ng lakas para makaraos kami" after ko sabihin yun isang matinding inhale exhale sabay ire... Tadaaaa.. Lumabas na si baby! Natakot ako nung una kasi bakit di agad umiyak si baby.. Pinitik pitik paa nya mga ilang beses tas saka lng sya umiyak.. Ayun natanggal ang kaba ko. Thank you Lord.. Goodluck sa mga malapit na ang due kaya nyo yan mga mamsh!

Hello Universe!
48 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Malaking bagay talaga na very supportive si hubby pag nanganganak tayo kasi isa yun sa magiging lakas natin. Congratulations,sis, sa napakaganda mong baby💕

4y ago

Thank you sis.. Totoo yan kapag may support system ka mas nagiging malakas ka 😊

Oh nga sana pyagan sa public hospital na kasama si hubby sa delivery room.. Excited din sila e..dto kc smin masusungit sa ospital, dun k lng s labas ng D .R.

4y ago

Sa lying in po kasi ako nanganak. Nagchange kami dahil dun sa original hospital kung san ako nagpapacheck up merong na-admit na PUM Kaya natakot na kmi bumalik dun. Buti sa lying in accommodating friendly at minomonitor ako ng midwife kahit gabi nagtetext sya sakin kinakamusta kung ano na nararamdaman ko. Kasi nga 3 days na ko in pain pabalik balik for IE kaso matagal magprogress yung pagbuka ng cervix ko.

Super Mum

Congratulations, mommy. Iba talaga ang nagagawa pag supportive yung husband at lahat ng nakapaligid sayo. Have a fun and wonderful motherhood journey. 💕

4y ago

Opo yung support system talaga nakakatulong sa panganganak ng maayos.. Thank you po!

The best yung midwife. Ganun sana lahat 😊 Para ma realize ng mga lalake na hindi biro maging isang babae at ingatan nila maigi

4y ago

True! Habang nililinisan nga si baby may panenermon sya sa asawa ko. Sabi nya nakita mo na kung papanong hirap dinadanas ng babae para lang manganak. Lagi nyo sasabihin ng dali dali lang umire. Nakita mo hindi basta ire lang tawag dyan. Isang maling galaw pwede mapahamak ang baby o yung ina. Kaya jusko maawa ka sa asawa mo. Sana ang mga lalaki wag gawing hobby ang pambubuntis bukod sa magastos nalalagay sa peligro ang buhay lalo kpag may komplikasyon sa pagbubuntis pa lang. At wag nyo balewalain asawa hindi pag iinarte ang mga nararamdaman ng buntis o mga babaeng nanganak na. Iba dyan nakakaranas ng post partum depression. Kaya maging sensitive kayo wag basta basta gagawa o magsasalita ng bagay na pwedeng ikapahamak ng asawa. Ganyan sya magsalita kahit hinang hina at antok na ko para syang nanay na nanenermon ng anak. Kaya natuwa din ako sa midwife ko. Pati emotional state ko pinapalakas nya. Ngayon si hubby ayaw ako pakilusin sa bahay kahit pagtutupi ng damit sya na gumagawa.. Tinabl

Super Mum

Hello mommy, congrats po! Dpat EBF c baby ha pra healthy po. Hehe Have a blessed parenting journey😇

4y ago

Thank you.. Yes EBF talaga ako ever since. Salamat din at sagana sa breastmilk. Pampalakas ng immune system ni baby ang breastmilk. May nabasa din akong article na kontra sa maraming virus ang breastmilk kaya kahit mapuyat kakapadede ok lang basta para kay baby. 😊

Hello Princess! Congrats mommy! Ang saya naman nakasama din si daddy sa experience nyo. 😍💖

4y ago

Thank you po.. Oo nga po eh. Sa panganay kasi namin di ko sya kasama nasa dubai sya noon eh. Di pa sya makauwi noon kasi every 2 yrs lang pwde mgbakasyon. Ngayon naexperience nya lahat from 1st trimester hanggang manganak. Kung ano struggles simula maglihi ako at yung mga struggle nitong lockdown na bawal ako lumabas.

Galing naman gusto ko din kasama asawa ko pag manganganak nako..

4y ago

Hehe sige po sana nga pede. Thanks po

excited and kabdo ako.. august 13 edd ko😅❣️

4y ago

Kaya mo yan.. Basta sundin nyo po ob or midwife nyo.. At lagi magdasal.. Kausapin nyo rin po si baby at himasin tyan sabihin nyo wag mo pahirapan si mommy. Makipagtulungan sya para makalabas sya ng normal.. Super helpful po yun. Kasi ako nung humihilab tyan ko pag nagbibilang midwife ko at nagsabi na sige umire ka na. Nakikisabay si baby. Naririnig nya yung instructions. Kaya dapat lagi kausapin tyan.

Congrats mommy🤗 sana makaraos na din ako hehe

4y ago

Thanks po! Kaya mo yan mamshie pray lang po at sundin ang advise ng obgyne or midwife mo..

Hi mommy ilang weeks po si baby? Congrats po

4y ago

Sakto pong 40weeks and 2 days.. Di naman po kasi talaga nasusunod yung EDD sa ultrasound.. Estimated lang kasi yun. Thank you po sa greetings! 😊