Hello Universe!

Hi mga Mamshie! Just wanna share with you my little bundle of joy. Name: Princess Janella DOB: June 29, 2020 11:31pm. Via Normal delivery 2.8 kilos EDD: July 3 on 1st ultrasound EDD: July 9 on last ultrasound. Super saya kahit super hirap dahil 3 days akong in pain. June 26 pa lang ramdam ko n yung sakit kasi 3cm na pala ko nun. Pinauwe muna kami kasi malayo pa nman. Kaso di nagpoprogress 3cm pa lang kahit super tagtag na ko kalalakad at nag evening primrose na..then, june 28 saka pa lang nag 5 to 6cm. Umuwe muna ulet kmi pra matagtag ulet at kunin na gamit nmin. June 29 10am bumalik kmi at yun bandang tanghali nakadextrose na ko. Lakad lakad pa rin.. Tpos bandang 9:30 pm nakaramadam ako na prang naihi ako pero hindi normal kasi sobrang dami umagos at nagleak na sa suot kong adult diaper. Tapos dinala na ko sa delivery room. Ang masayang part tinawag si hubby sa loob para makita nya kung gano kahirap manganak. Ganun daw kasi yung midwife na nagpaanak sakin pinapapasok nya sa loob yung mister at may pageexplain pa ng mga procedure na ginagawa. Naging instant assistant si mister sa panganganak. Way daw yun para marealize ng lalaki na hindi dapat balewalain ang mga babae dahil napakahirap manganak. Then, nagstart na ko magdasal sa kada hilab ng tyan ko. Tapos yung midwife supportive din lagi sya nagsasabi na kaya mo yan at wag ka mag isip ng nega.. Magfocus ka para mailabas mo si baby. Inhale exhale kpag may hilab or naninigas tyan mo dun ka umire.. Hirap na ko at pagod kasi walang matinong tulog dahil 3 days na kong in pain. Buti supportive din si hubby pinalalakas nya loob ko tapos nagdasal pa rin ako at sinabi kong "Lord, Mama Mary tulungan nyo kami ng baby ko, bigyan nyo ko ng lakas para makaraos kami" after ko sabihin yun isang matinding inhale exhale sabay ire... Tadaaaa.. Lumabas na si baby! Natakot ako nung una kasi bakit di agad umiyak si baby.. Pinitik pitik paa nya mga ilang beses tas saka lng sya umiyak.. Ayun natanggal ang kaba ko. Thank you Lord.. Goodluck sa mga malapit na ang due kaya nyo yan mga mamsh!

Hello Universe!
48 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wow. Congratulations mommy.... God is good

4y ago

God is Great all the time ๐Ÿ˜Š thank u po

Super Mum

Congratulations po sa inyo โค๏ธ๐Ÿ™‚

Congrats mommy and daddy โค๏ธ๐Ÿ’™

Super excited na ako edd ko July 29

4y ago

Good luck mamshie.. Simulan mo na po maglkad lakad and squats.. At diet din para di na lumaki ng todo si baby mahirap ilabas ng normal delivery kapag sobrang taba ni baby. Ask mo po obgyne or midwife mo kung ano pa pwede mo gawin kasi di naman lahat ng buntis ay pare pareho. Itanong mo kung ano yung pwede at bawal for safety na rin. ๐Ÿ˜Š

VIP Member

Ilang weeks po kayo nanganak?

4y ago

40 weeks and 2 days(based sa LMP) si baby nung manganak ako.

Congrats po momshie ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

Congrats po ๐Ÿ™๐Ÿ˜Š

Congrats mamshie! ๐Ÿ˜€โค

VIP Member

CONGRATS po! ๐Ÿ’–

Congrats..โค๏ธ