Emosyonal Ako ?? Ano Dapat Kong Gawin.
Mga mamshie kung kayo nasa kalagayan ko, buntis ako sa pang 3rd kong anak 14 weeks.. Ang sama ng loob ko kasi sabihan ba naman ako ng asawa ko na baka hindi pa daw sa kanya tong pinagbubuntis ko. 5 yrs ago may nagawa kasi kong mali, sobarang mali at pinagsisihan ko yun, alam ko napatwad nya nko. Ngayong 2020 nagchat yung boy na yun, pero hindi ko n tlga kinausap yun. So ayun nagduda na naman sya.. Laging ganun sya pag nag aaway kmi.. Lagi nya pinapamukha sakin yun.. Ang sakit lang kasi sobrang pinagsisihan ko yun. Sobrang mahal ko ang pamilya ko ngayon.. Pero sobra din ako nasasaktan dahil masakit tlga sya magsalita kahit alam konsa sarili ko na wala akong gingawa.. Ngayon naulit na naman.. Nag share lang ako ng memories sa fb 1 yr ago.. Pinagseselosan nya din yung ka workmate ko, na kahit ako sa sarili ko di ko magagawang gustuhin yun.. Kasi ang bata pa at kala mo bading. Pero selos n selos sya dun.. Nung nkita nya yun.. Nag outing kasi kmi nung time na yun 1 yr ago na sa fb.. Shinare ko kaya nakita nya sa fb.. Biglang sabi ba naman sakin na.. Katabi mo ba yan sa kwarto.. Sabi ko hindi.. Ilang buwan na ba yang tiyan mo.. Sabi ko tatlo.. Sobrang nasaktan ako.. Sabi ko anu ibig mong sabihin di ko toh anak? Nakipag sex ako jan, ang kapal naman ng mukha mo sabihin sakin yan.. Ang sama mo.. Galit ako, na napapaluha pero pinigilan ko lng ayoko pakita sa knya... Pero tayong buntis hindi natin mapihilan maging emosyonal.. Kahit hindi ako buntis. Mababaw tlga luha ko. Sobrang sama ng loob ko. Tumahimik sya. Wlang kibo.. Nakuha pang mag youtube. Walang sorry, nauna pa matulog..