Scared & Nervous

Mga mamshie.. Ano po pwedeng gawin para hindi matagal ang labor? Ang sabi po kasi sakin pagka 8months daw po ng tiyan ko maglakad lakad na po ko.. Sobrang natatakot po kasi ako kasi alam ko sobrang sakit.. Tsaka po 1st baby

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy! wag kang kabahan. Iba iba naman tayo. May mga mommy na 1hr lang naglalabor. Meron naman sobrang tagal. Maglakad lakad kalang mommy. Tapos kung di nakakailang saibyo mag asawa mag do kayo advisable po yun. Ako sa panganay ko 15hrs ako naglabor sa bunso naman 2hrslang.

Sis better if, Kumalma ka lang. Maglakad lakad ka as long as kaya mo and more more water. ++ Bili ka rin ng stressball para pangdagdag kalma kapag pinipress mo yun. Stay positive lang! May mga exercises na para malessen ang labor kaya goodluck!

Lakad nga po. If possible, every morning. Tapos try mo din raw fresh eggs kahit halo mo sa gatas. Pwede rin magdo kayo ng partner mo para nakakapagready ung cervix mo sa size ng baby mo for normal delivery.

I feel you huhu. Takot na rin ako, next month na darating si baby. Di na rin ako.mapakali. Kahit ano ano.na na imagine kong sakit.

squat lang and then lakad. full squat, patulong ka sa partner mo. ako lagi ko yun ginawa 2hrs labor ako.

mommy wag ka kabahan, lalong mahihirapan kapag kinakabahan, relax ka lang inom ng pineapple :)

ako rin sis.. ftm din.. kinaya ko naman. makakaya mo rin.. basta lakad lakad lang.

lakad lakad lang. ako kasi nung nanganak eh hindi ko naranasang mag labor

lakad lakad lang tuwing umaga at hapon wag lagi naka higa at upo

Kaya mo yan sis. Lakad lakad ka na. Good luck!