Pospartum Depression or??

Hello mga mamsh! Hanggang ilan taon po ba ang PPD? Gusto ko lang sana malaman kung PPD ba itong nararanasan ko o normal na reaction lang. Kasi yung husband ko po nalaman ko na nagcheat sakin, though before po alam ko na po na may mga times na nagloloko sya pero this time po marami pong nakakita na talaga. Kinompronta ko po sya, mga gamit nya sinira ko sa sobrang galit ko. Hindi naman po sya nagrereact unlike before po na kapag malaman ko na nagloloko sya, sya pa ang galit. Hinahayaan nya lang ako kung ano gawin ko. Pinapili ko sya kung kami o yung kalandian nya. Sabi nya “syempre kayo, kayo ang pamilya ko”. Dahil di nya pinapatulan ang galit ko, dito pa din sya sa bahay pero pinapalayas ko sya di lang sya umaalis. Hanggang sa lumipas ang isang linggo na wala kaming pansinan dto sa bahay. Napag-isip ko na na need ko magkatrabaho ulit kasi sarili ko, ayoko na tama na. Sa isang linggo na dito sya sa bahay, sya ang nag-aasikaso sa anak namin (2y3m boy). Yung mga dating hindi nya ginagawang pag-asikaso, ginagawa na nya kasi hindi sya mkautos sakin dahil nga galit ako sa kanya. Kapag nagluluto ako para sa amin lang ng anak ko, tas pag sya magluluto tatawagin nya ako pero hindi talaga ako kumakain ng mga luto nya. Tinitiis ko. Nung pagka1 week, sinabihan ko sya na kung pwede ko sya makausap ng seryoso kasi hindi pwedeng habang bugay kami na ganun, hindi nagpapansinan. Sa balkon sya natutulog, kami sa kwarto. Tapos yun, tinanong ko sya kung anong plano nya sa amin, sabi nya kayo kung gusto nyo pos na magtrabaho ako para sa inyo. Hindi ako nasatisfy, kasi hindi yun ang gusto kong marinig. Tinanong ko sya tungkol sa ginawa nya. Kaso ang sagot nya, iba sa kinwento sakin ng mga sinasabi nyang dun sya pumunta nung time na yun. Nung binara ko sya na sabi ko nga bakit sabi ni ganito hindi man talaga ganun blaaah blaah. Nagalit sya, sabi nya ba’t daw ako nakikinig sa mga tsismis. Sabi ko naman syempre sa ilang beses nya akong niloko, di nya ako masisisi kung maniniwala ako sa iba. Ayaw nya kasi nakikinig ako sa mga Marites.. Sabi ko sige, total di naman na pala tayo magiging okay, pag usapan na lang natin kung ano magiging arrangement natin sa anak natin. Hanggang sa wala din nangyari kasi nga ayaw nya ako patrabahuin, gusto nya nkafocus ako sa bata. Tapos humiga na sya nanonood ng tv. Nagising anak namin lumipat sa tabi nya. Eh galit na galit po talaga ako sa kanya nung time na yun, sige pa din ako salita. Tapos hindi na sya sumasagot, mas lalo ako nanggigigil. Sinipa ko sya sa binti habang nakahiga sya. Nakita ko na nasaktan talaga sya. Tapos sabi nya “nak wag ka tumingin jan sa ginagawa ni mommy mo” tinakpan nya muka ng anak namin. Di ko pa din sya tinigilan, sinipa ko na naman sya sa kabilang binti. Dun na sya tumayo, aalis na sya. Kaso nung paalis na sya, binato ko na naman sya ng kutsilyo. Dun na sya di nakapagpigil. Napatulan na nya ko. 😢 Mga momsh, nung time na kami na lang dito ng anak ko. Nakapag-isip2x ako. Na sa sobrang galit ko sa kanya, sa panloloko nya. Di ko alam nagiging toxic na din ako. Yung tipong tatanungin ko sya kung anong ginawa nya tapos kapag di ako nasatisfy nagagalit ako. Tapos napagtanto na sa baway away namin, ako pala ang unang nanakit. 😢🥺Hindi po ako ganito noon, nag-aaway din kami noon pero di ako nananakit. 🥺 Before nagwowork po kasi ako, kumbaga pag nag-away kami wala na kong time makipagsagutan kasi papasok ako sa trabaho. Marami ako mapuntahan na kaibigan kesa makipag away sa kanya. Yung tipo ko po ngayon, na kapag nanakit ako sa kanya, hindi ako titigil hanggat di sya magrereact. 🙁🙁 ang toxic ko po masyado. 🥺🥺 Ngayo ko lang po narealize. 😭 #advicepls

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

alam ko 1year ang PPD mi ganyan talaga reaction syempre nagcheat si hubby hays

2y ago

Grabe mamsh, before po nagcheat din si hubby pero hindi po ako ganto na sasaktan ko sya. Tapos sabi ko pa sa sarili ko, dapat hindi ako ganito kasi since birth ng anak ko nagchachurch na ko(born again) unlike before na walang simba2x talaga. Sabi ko ba't ganto ako, dapat mahaba ang pasensya ko ksi nagsisimba ako. Kasi yung kumbaga, yung pananakit ko, wala namang magandang maidudulot. Hindi ko jinajustify yung ginawa nyang panloloko, pero naiisip ko yung muka nya na di na sya nagrereact nung sinasaktan ko sya. Parang pinoprovoke ko sya na gantihan din yung pananakit ko. 😭 Sa akin lang ha, tingin ko sa sarili ko ang toxic ko din. 😢