Dapat ba ipakilala sa family ng tatay?

Hi mga mamsh.. Ask ko lang naguguluhan kase ako. Kase nabuntis ako ng tatay ng anak ko ng wala.man lang humarap sa amin na family member nya... im not asking for marriage kase ayoko pakasal ng dahil.nabuntis ako.. ang gusto ko lang sana may humarap samin para masabi kilalanin ang anak ko. Dumating na nanganak ako at nagbinyag ang bata pero ni isa sa family member ng lalake wala pumunta. Now gusto makita ng isa nyang kapatid yung baby ko. Ipapakita ko ba? Para kaseng ayoko kase parang kung kailan lang nila gusto makita dun lang? Baby ko ba magaadjust sakanila kung kailan sila ready. Advise po please...

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Baka naman hindi inopen up ng partner mo sa family niya ung tungkol sa inyo. Baka isa lang sa family member nila ang nakaka alam. Or pwede ding hindi sila interesado sa nabuntis ng anak nila. May mga magulang din kasi na di nila matanggap lalo kung di pa sila ready magka obligasyon ung mga anak nila. Pero syempre, depende sa sitwasyon. Maganda din ipakilala mo sa family ng tatay ng bata. Kasi lalaki ang anak mo at maghahanap yan ng lolo at lola. Tito tita.

Magbasa pa