mommy ako nag start ako mamili ng gamit ni baby ecq pa rin sa place namin.. inumpisahan ko sa mga damit nya na baru-baruan.. tumingin lang rin ako sa shopee/lazada..isang set ang binili ko na lahat eh tig 12 pcs (short sleeves, long sleeves, wlng sleeves na pang itaas, pajama, booties, mittens, cap, bigkis, lampin at isang receiving blanket) nabili ko sya ng kulang kulang 1500. 00 plus shipping fee. puro white muna ang binili ko kasi diko pa alam noon ang gender ni baby. sunod naman yung mga diaper mats, at mga ilang piraso ulit ng receiving blankets (ang ginagawa ko po humahanap ako ng shop na maganda ang reviews ng product.. tas lahat ng need ko sa shop na yun ang isinasama ko sa mga list na bibilhin) mas sulit yun mommy.. ung sa isang shop eh marami ka ng mabibili.. hindi ako bumibili sa shop na prng iisang item lang ang mabibili ko pra hindi ako talo sa shipping fee. ang shipping fee minsan umaabot ng 100+ pero ok na rin kasi para ka na ring namasahero/commute atleast hindi ka pa lumabas. marami nga lang talaga akong mga binisita na shops. pero ok na rin atleast nagkakaron si baby ng pakonti konting gamit. yung mga bath essentials lang nya ang hindi ko balak bilhin online (kasi nagwoworry ako bka magkaproblema sa packaging,magleak or something, tsaka balak ko po kasi na maliliit or konti muna ang bilhin pra matest kung okay kay baby).. pero tumitingin nko ng brands na ok tas picture para in case iba ang bumili para sakin, mas madali nila mahanap. nakakatuwa rin naman magshopping thru online.. maeenjoy ka rin.. nakakatuwa mag open ng mga gamit ni baby at makita na kahit papano may mga gamit na sya. sana makatulong.. Godbless sa inyo ni baby
Magbasa pa