22 Replies
mommy ako nag start ako mamili ng gamit ni baby ecq pa rin sa place namin.. inumpisahan ko sa mga damit nya na baru-baruan.. tumingin lang rin ako sa shopee/lazada..isang set ang binili ko na lahat eh tig 12 pcs (short sleeves, long sleeves, wlng sleeves na pang itaas, pajama, booties, mittens, cap, bigkis, lampin at isang receiving blanket) nabili ko sya ng kulang kulang 1500. 00 plus shipping fee. puro white muna ang binili ko kasi diko pa alam noon ang gender ni baby. sunod naman yung mga diaper mats, at mga ilang piraso ulit ng receiving blankets (ang ginagawa ko po humahanap ako ng shop na maganda ang reviews ng product.. tas lahat ng need ko sa shop na yun ang isinasama ko sa mga list na bibilhin) mas sulit yun mommy.. ung sa isang shop eh marami ka ng mabibili.. hindi ako bumibili sa shop na prng iisang item lang ang mabibili ko pra hindi ako talo sa shipping fee. ang shipping fee minsan umaabot ng 100+ pero ok na rin kasi para ka na ring namasahero/commute atleast hindi ka pa lumabas. marami nga lang talaga akong mga binisita na shops. pero ok na rin atleast nagkakaron si baby ng pakonti konting gamit. yung mga bath essentials lang nya ang hindi ko balak bilhin online (kasi nagwoworry ako bka magkaproblema sa packaging,magleak or something, tsaka balak ko po kasi na maliliit or konti muna ang bilhin pra matest kung okay kay baby).. pero tumitingin nko ng brands na ok tas picture para in case iba ang bumili para sakin, mas madali nila mahanap. nakakatuwa rin naman magshopping thru online.. maeenjoy ka rin.. nakakatuwa mag open ng mga gamit ni baby at makita na kahit papano may mga gamit na sya. sana makatulong.. Godbless sa inyo ni baby
Try online shopping mumsh. Yan din problem ko before. Eh gusto ko pa naman ready na agad lahat. And medj palpak din hubby ko sa pamimili 😅 Kaya sa shoppee, lazada, SM online, etc. ako umasa. Puro basa lang muna ng reviews bago ka mag checkout para sure ka sa quality ng bibilhin mo. So far naman okay lahat ng nabili ko online. More than 50% na nabibili ko and same tayo na currently 6 months preggy 😊
May lazada sale po ngayon pero check niyo rin yung 7.7 sale nila. Namili ako nung 6.6 laki din natipid ko. Lalo pag nag sale ang pampers. Yung clothes dami din. Read lang po reviews for the quality. Try COTTON STUFF. Maganda tela nila and hindi expensive. May vouches for free shipping din. Kahit crib ko Lazada din, okay naman. Mukha naman sturdy.
Try nyo po sa shopee sis. 😊 Hahanap lang po talaga ng seller na nay magandang review pero affordable finds pa po makikita nyo. Ako din po hindi pa makapamili kahit paunti unti pero nagtitingin na ako sa shopee para kung pwede na po, ipapadeliver na sa bahay. May cod naman po at mayroon din silang mga free shipping vouchers monthly. 😊
anong place nyo po? same tyo 7months na. kanina dumating na yung mga order ko galing s RTW ng friends ko s caloocan, sknya lang ako bumili ng mga new born clothes hehe kasi ang mahal sa mall at s shopee. kung may time ka po hanapin mo lang sa fb KidZoe at mag msg. sna makatulong ito sayo mommy ☺️
pampanga po ako
Halos lahat ng gamit ni baby sa shopee ko inorder sis.. May shipping discount nman dun.. Makakatipid ka din.. Compare compare ka lng sa mga shop tpos basa basa ng comment pra makita mo yung feedback.. Inabangan ko ung sale na 6.6 ngaun kumpleto na lahat gamit ni baby.. #teamJuly❤️
pasuyo nlng po kayo sa mga kapatid nyong babae ilista nyo lng po lahat ng gusto nyo pabili kasi mas marami alam ang babae sa mga gamit ng newborn compare sa lalaki saka mas katiwa tiwala mamimili ang babae alam nya yung maganda and quality
sa shopee po ako bumili ng mga gamit ni baby kooo dagdag sa mga lumang gamit nung mga kapatid ni hubby nung baby pa, ok naman po mga quality, basta po tingnan nyo lang mga ratings at feedback nung product and seller
Okay naman sa shopee bumili ng basic necessities ni baby. May mga free vouchers naman sila for shipping. Basta, basahin mo lang mga reviews before adding it to cart, also look for "preffered" stores.
Shopee sis.. Dun lang din ako nag order mga gamit ni baby, icheck mo lang muna mga review bago ka mag order tsaka mas maganda kung sa 1 seller ka lang oorder para mas tipid sa shipping fee
Yoville Mendoza-Noche