worry
mga mamsh' what if hindi agad magka gatas dede q pagka panganak, need q ba i formula milk muna c baby para maka dede sya o latch lang hanggang sa magka gatas na? 1st time mommy here. salamat

Momsh kalimitan po talaga pagkaanak wala pa lalabas na milk. Ako genon din pina latch ko lang pina latch kay baby hanggang nagsugat at nagdugo na nga momsh eh.. Kahit iyak ng iyak un baby ko kasi wala pa sya madodo, at malapit na din ako mag iyak kasakit😅Pero sabi naman non nagpaanak saken normal lang un kasi konti masipsip ni baby oks na di pa nila need ng super dami gatas kasi nag aadjust palang din sila.. After 3 days pako dumami ang gatas. Tas nakatulong din yun lagi may sabaw ang ulam. Like nilaga, tinola tas lagyan malunggay. Ngayon 1 month and half na si baby at super lakas naman gatas ko di nya masaid yun pag ka sangkal ng dede ko 😅 dun naman ako stress😅 lagi basa damit ko at tulo ng tulo. Minsan nagpupump ako pero di nya naman dinedede sa bote😅 gusto sa utong😅😅.. Wag ka na mastress mommy hehe
Magbasa pa


