Skip ng monthly Check up. Okay lang ba?

Hi mga mamsh, may time ba na nakapag skip na kayo ng monthly check up nyo? And pinapakiramdaman nyo nlang muna si baby if okay naman sya. Kasi minsan ang gngawa lang naman ni OB is doppler lang si baby at usap k0nti, then 600 na agad bayad. Is it okay lang ba na mag skip ako ngayon lang m0nth for check up. Saka naghahanap na din kse ako ng bag0ng OB ko at ospital to deliver by december. eh bka madoblehan ako ng bayad pag bglang mkhanap ako. Kaso other side of me is na gguilty kse nga ngaun plang ak0 mag skip ng check up if ever. #advicepls

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Di ko po sya nirerecommend mommy, pwedeng okay ngayon si baby then next checkup hindi na. Tulad ng nangyare saken, 1st-2nd trimester ang laki ni baby sobra nakampante ako, ngayong 3rd trimester ang liit na nya and may risk na ko for emergency cs early as 34 weeks pag panget result ng bps with doppler on my next checkup. Kaya napa steroids nadin ako if ever man lumabas syang premature. Magastos talaga sya hehe pero mahirap pag nagkacomplications si baby kase di namonitor, mas matindi magiging gastos mo.

Magbasa pa

ako din po nagskip netong last month kase laging timing na off ng mister ko ay weekend e wala naman ako ibang kasama dalawa nalang kame lagi kaya inaantay ko sya magdayoff lagi e last month puro weekends yung dayoff nya e wala namang mga ob daw non tuwing saturday hanggang sa nagnextmonth na hindi nako nakapagpacheckup. pero nakapagultrasound naman kame nung saturday kase need ko nung nadulas ako skaa nakakausap ko naman ob ko sa messenger eh okay naman si baby kaya ayon dina din ako nagworry.

Magbasa pa

Mamii pagdating sa gastos sa OB, ganyan talaga. given na po yun. mas marami gastos lalo pag nandyan na si baby. ngayon pa lang sana dapat maging maagap na tayo, mag ipon po tayo. Yung check up imporante po yan, paganyan ganyan lang po ang ginagawa ni OB pero napaka importante ng check up po. Meron naman po libreng check up sa center kung talagang kapos. Para naman kay baby lahat ng ginagawa natin, sakripisyo lang po ng konti. pero kung may prob talaga kay OB po better maghanap ng iba.

Magbasa pa

As much as possible mii wag po magskip. Ako sa lahat ng anak ko hindi talaga ako nagskip, may unusual man akong nararamdam or wala. Ishare ko lang yung nangyari sa kilala ko na 8months preggy na siya then sa busy yata niya naskip niya yung visit sa ob. Ang ginawa niya, nagvisit agad siya the next week. Sadly, wala na palang heartbeat si baby tho wala namang siyang naramdamang unusual. Be a responsible parent po tayo. Iba iba po ang cases nating mga mommy.😊

Magbasa pa

Ako nakapag skip din ng scheduled check up ko, basta wala ka naman unusual na nararamdaman, nag changed din ako ng OB na malapit sa amin at yung medyo budget friendly ang fee. Covered naman ng healthcard ko ang check up sa ospital pero i decided na mag cash out during check up sa iba kc mas comfortable puntahan ang clinic ng new OB ko kc walking distance lang sa amin, no more byahe na matagal at tagtag sa byahe plus the gastos sa food pa.

Magbasa pa

ako natatakot ako mag skip, first baby namin ni hubby kaya sobra pag iingat ko.. pati natutuwa ako pag sa Ultrasound nakikita ko sa baby at sasabihin ng Doctor na okay sya.. nakakampante loob ko..... Normal lang nmn po talaga na magastos sa pagbubuntis lalo nasa pag labas ni baby. Wag mu skip mamy kung may pambayad ka nmn po para din yun kay baby ndi natin kasi alam kung anu nangyayari sa loob ng tyan natin kasi ndi natin nakikita..

Magbasa pa

ganun Po tlga mie doppler2 lng Po tlga Mula 12 weeks to 23 weeks pra sure na ok at may heart beat pa rin si baby. sakin Po transV 8 weeks then now CAS sa 24 weeks, dis Sat. Ang ginagawa ko Po e nkalista na lht ng itatanong ko Bago magpacheck up pra sulit din Ang bayad. pra Po sakin importante Po may monthly check up, nkakaworry kse Minsan lalo qng di masyadong active si baby.

Magbasa pa

Ako mom, ayako mag skip ng check up. kasi 1st baby ko. tapos 4mos nako nun nalaman kong buntis ako. sa ikapapanatag din ng loob ko. gusto ko malaman kalagayan ni baby. monthly rin ang UTz ko. kahit walang Billing ang asawa ko, inoobliga ko talaga xa mag laan ng budget sa monthly checkup ko

VIP Member

kung wlang wla tlaga ok lng naman magskip basta follow ka pa din sa mga gamot at make sure na wla nman masakit sayo. ok din kse monthly ngpapacheck up just to make sure na ok si baby sa loob may times kse na ok ka wla ka narrmadanan pero may problem na pala sa loob.

Follow up question: Okay lang po ba na mas madalas po yung check up sa health center kesa kina OB? Ganon po kasi ako, monthly yung check up ko sa center pero once pa lang po ako nakakapagpa OB. Looking for OB pa din po ako until now. 😔