13 Replies

Ako kahit gusto kong ipagdamot hindi pwede kasi hindi ko kaya magisa lalo pag nasa work asawa ko. Twins baby ko at literal nakikipagunahan sakin sa pagpapadede kay baby ,kesyo iformula na lang lage dahil konti breastmilk ko. Tuloy minsan pag dede na nila sakin sandali na lang dahil formula agad inooffer. Sa pagpapainom ng vitamins , pagpapaligo tapos pagiiyak magmamadali syang kuhain. Minsan napatulog ko na biglang mawawala sa kwarto yun pla kinuha na.Masama pa nun kapag may bisita hindi man lang magpasabi sakin kung gusto ko bang ipahawak baby ko sakanila. Basta sya bigay lang, hindi man lang nya naisip na baka makakuha ng sakit mga baby ko dun. Atat na atat na ko umuwi samin kasi don ako talaga masusunod. Nasa abroad kasi mama ko kaya no choice dito kmi tumira. Hays.

Pag nanganak ako di ko papaalaga sa FIL ko, nako lagi mainit ulo lagi bumubulong mainit ulo ko sa kanya buntis pa lang ako stress na ko sa ugali nya di ko kasundo 😂 di ko papababantay ng wala ako sa MIL ko nagiisang anak ang Asawa ko at sa Lola lumaki di nila alam pano magalaga ng newborn sila na nagsabi di nila naalagaan Asawa ko nung Baby di din nila alam san unang tumubo babytooth ng Asawa ko eh kinuha nila anak nila sa Lola 5 years old na, kaya sobra nyang mahal Lola nya at excited pa Lola nya magkakababy na sya 😊

Nararanasan kodin yan ngaun lalo na dipa tapos ang bahay na pinapagawa ng inlaws ko bahay nila konting iyak lang kinakarga na agad si baby kaya nasanay sa hawak and hele anjan pa yong lahat nlang pinapakealaman nila ung mga old ways sa pagpapalaki ng bata kaya mahirap i understand mahal nila ang 1st apo nila pero syempre mommy tau we know whats best for our baby at yon ang hndi nila naiintndhan kaya kapag ganyan i'm trying to tell them in a polite way kung ano ang side andgusto ko.

Ahahhaa korek sbi nga lagyan ko gatas ang mata nya kasi na irritate nung isang araw eh nagmumuta ngaun pla mali lang position nya sa pagdede buti nga nawala na pinapalagyan nya gatas ko eh kung lalo ma infect jusmio marimar pati nga pag papa burp eh sbi ko kahit po panuodin nyo sa youtube ganyan tlga magpa burp ahahaha kesyo baka daw mabali ang spine my gosh!ehe

Ganun talaga sis mga mil at fil.naranasan ko din yan before lalo na sa 1st baby ko.lalo na sa mil ko.naiinis din ako noon kase feeling ko sila ang tunay na nanay at hindi ako.but now I understand.sobrang nagke-care lang talaga sila sa baby ko at mahal na mahal nila ang apo nila.and thankful ako na sila ang naging mil at fil ko 😊

For me, kahit di pa ipanapanganak baby ko, sinsabi ko na sa sarili ko na magiging territorial ako kay baby. We mothers ang nagdala sa kanila for 9 months and it's our right kung sino ang magbabantay or hahawak kay baby. I told my husband na kahit sino pa yan di pwede basta2 makakahawak kay baby lalo na yung mga may sakit.

Yes sis, lalo na kay Mil, minsan kc feeling nila anak nila ung anak mo., gusto nila lagi nasa kanila atensyon ng anak mo, which is Mali,, naging nanay na sila, bakit Hindi nila iparanas satin ang pagiging nanay diba, pwede nila tau iguide kung namamali tau, pero hindi sila pwede magdesisyon para sa anak natin..

Omg grabe ung umuwe na after mangank. Bumukod kau magasawa sis tapos ang problema nio.. 👍

VIP Member

Sa panganay ko yes. Kasi most of the time noon, basta may gathering sa side ni hubby kahit natutulog na yung bata gigisingin pa para lang ipakilala o ipakita sa mga kamaganak. Ako naawa sa bata at syempre di naman biro magpatulog ng baby kaya. Kaya madalas nasa kwarto lang ako pag ako nakabantay kay baby

Ay sis . Ako ayaw ko ipabantay kay mil at fil ang lo ko . Nakakainis lang kase . Minsan naiinis ako . Pinagdadamot ko talaga si lo ko . Pero pag minsan na aawa din ako . Buda bida kase. Parang alam lahat nila .

VIP Member

Yes momsh lalo na nung pagkapanganak ko gusto agad dalhin ng lola nya kung saan2. Kaya nakakstress at pinakekeelaman nya lhat.

VIP Member

Swerte po ako dati sa mga nging byenan ko but now sa 2nd hubby ko wala n po syang mga mgulng

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles