8mos. ko nalaman na preggy ako

Hi mga mamsh! Sino po dito nalaman ang pregnancy nya third trimester na? Sa case ko po kasi wala talagang sign of pregnancy na mapapansin agad agad. Wala pong hilo, suka, lihi lihi. Umaakyat pa po ako ng bundok (minor trek) at marami po akong mga mabibigat na gawain na wala pong pinagbago nung di pa ko preggy. Except anlaki po ng tinaba ko bukod sa chubby na po talaga ako, lumaki ilong ko, nung first trimester po madalas dumugo ilong ko. Yan lang po talaga ang signs na napansin ko na feeling ko normal lang sakin. Yung pagkain ko ganun pa rin po. Nagtaka lang po ako na this 8th month po e naninigas na tummy ko, nagmamanas ang paa ko at may gumalaw bigla sa tummy ko (first time).. parang may umiikot po. Irregular po ang period ko at sa 8 months na yun may time po na meron ako at may time na wala. May same case po ba ako dito? And how's your baby po? Anu pong pagreready ang ginawa nyo? First baby ko po ito. Married po ako for 4 years na. Mejo matagal din po hinintay at talagang surprised kami!

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako naman po may PCOS kaya hindi ko pinansin, pero ako kasi 4 months ko nalaman kasi nag gamot ako, and nagtataka ako 4 months na wala padin akong regla. So nagworry ako baka hindi effective ang gamot. Tapos syempre before ako resetahan ng pamparegla is nag PT ako, doon ko nalang nalaman na may baby ako. Going 37 weeks na ang tummy ko now. Sa case mo, hoping na healthy si baby mo and pwede pa yan habulin mo lang lahat ng need niyo both ni baby, paalaga ka po sa OB mo and ikwento mo po lahat yan para malaman niya anong gagawin and congratulations po! ๐Ÿ˜‡

Magbasa pa
Related Articles