Pregnancy Journey

Hi mga mamsh, share ko lang. Sept 26 palang nagdischarge na ako ng brown hanggang madaling araw may kasama ng dugo and sobrang sakit na ng balakang ko at puson. Positive po kasi ako sa covid and natapos ko na un quarantine ko, dapat Sept.27 scheduled ko for eclia test para maadmit ako sa ospital kung nasan OB ko. Kaso habang naliligo ako mas dumadami un discharge ko and buo buo na dugo na lumalabas saken. So nagtext ako sa OB ko na dumiretso na daw ako sa PGH kasi di ako pwede dun sa ospital kung asan sya. Pagkarating namen ng PGH mga 8am inadmit na agad ako kasi 3cm na ako. Pagka 12:30pm fully dilated na ako at dinala na sa operating room. Nilagyan nko ng epidural at sobrang hirap na hirap ako sa pagli-labor ko, hindi ko mailabas si baby kasi hindi sya bumaba sa pwerta ko at medyo malaki daw sya at maliit daw ang sipit sipitan ko, halos 1hr akong umiire pero di talaga sya lumalabas, kaya sumuko na ako, sabi ko sa ob ko diko na kaya umire at un nagdecide na sila i-cs na ako. Inakyat nko sa OR at nagising nalang ako bigla nung narinig ko na yung iyak ng baby ko, nasulyapan ko lang sya pero di sya nilapit saken at diko pa sya nakikita until now. Need ko pa kasi mag quarantine ng 14days para as recovered na ako. Thankful ako andyan un father-in-law ko na nag-aalaga muna kay baby, at thankful din ako safe kame parehas ng baby ko. Masakit lang un tahi hehe pero worth it lahat ng hirap pag narinig mo na si baby. Sa ngayon tiis lang muna for safety ni baby ❤️ sorry medyo mahaba hehe #1stimemom #firstbaby

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Congratulations mommy. Worth all the pain. ❤️

4y ago

Thank you mamsh 🤗

congrats mommy.😇😍

4y ago

Thank you mamsh 🤗