Induced labor

Share ko lang po experience ko mga momsh.. 9:30am dumating kami sa ospital 40weeks and 1 day po ako nun Nov.27,2020. Ni swab test kmi ni hubby(negative naman) then nilagyan na ko ng swero then diretso na sa Operating Room para mainduce na at mamonitor na daw ako.. 10:30am nilagyan ako ng EPO sa pwerta saka Buscopan sa Swero ko saka IE ng paulit ulit un hanggang umabot na ng 8:00pm.. Dumating na ung OB ko IE nya ulit ako wala daw nangyayari sa cervix ko dahil sa inverted ito at di bumababa at lumalambot.. Sobrang sakit na sakit na ako.. Sabi ng OB ko emergency CS na daw ako.. Baka makatae na daw baby ko sa loob.. So nag decide na kmi agad ng hubby ko kahit gusto ko sya inormal hindi rin pupwede .. 8:15pm sched na for CS ..8:40pm baby out na.. Thank God na ok kmi parehas at ligtas..#1stimemom #firstbaby

Induced labor
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ask lang po nong pumunta po ba kayu hospital naglalabor po ba kayu or may lumabas sa inyu? worried lang ako kc mag 40 weeks na ko natatakot rin ako na makakain ng dumi c baby, 1 cm palang ako

4y ago

hindi po ako naglalabor momsh.. dahil ung matres ko po inverted.. pero ask nyo pa din po ung OB nyo po.. mahirap kasi maOverdue..