Hi mga mamsh. Share ko lang labour story ko hehe. Umabot po ng 42 weeks si baby sa tummy sakto pakalabas niya base sa LMP ko, pero sa utz ko 41 weeks and 3 days. Nag start labour ko nung June 27 alas 12pm 5cm na ako, hangang umabot 24 hours 8-9 cm palang di ko na kaya ang sakit, 1:05 pm nag water broke na ako kasi pinilit na ng ob ko mailabas si baby via normal, nung na nag pupush na ako dun na pumutok panubigan ko kasama na dun lumabas yung poop ni baby, madaming beses akong nag pupush kasi nakikita na daw niya ulo ni baby pero pinapasuk niya yung finger nya sa pempem ko di daw makalabas si baby, maliit dinadaanan niya, tapos nag sabi na ob ko na di niya kaya ilabas si baby via normal, kaya ni refer nya kami sa isang hospital kasi birthing clinic yung sa kanya. Stress na stress na hubby ko kasi di na nya kaya makita akong nahihirapan parang pipikit na mata ko, kahit di namin kaya mag pa cs, pinush nalang kasi nahihirapan narin si baby sa loob, pagdating namin sa hosp natagalan pa kami kasi ni rapid test pa kami, sigaw ng sigaw na ako dun, nag iiskandalo na ako di ko na talaga kaya. Sa awa ng diyos nailabas naman si baby , malaki gastosin pero no choice. Ang saklap lang 32 hours labour tapos di naman pala kaya ng ob. Pero at least ngayon nakaraos na rin salamat sa panginoon.
♡