USAPANG MOTHER IN LAW

Mga mamsh, pag usapan natin MIL natin ung may mga inis dyan sa MIL nyu labas nyu na yan ??. D ko mawari kung swerte ba ako o nd sa MIL ko ??. Di ko gusto madalas ung mga lumalabas sa bibig nya e. Gigil mga mamsh. May times na okay naman sya pero madalas GIGIIIIL NYAAA AKOOOO GUSTO KO NA SYANG SAKALIN. Una, reklamo sya panay parinig na nasunog daw ung bed sheet na gamit namin ng asawa ko kesyo daw sa pagpplantsa ko. JUSKO POOOO!!! nung hinanap ko wala naman pero sabi nya meron. Pero impossible na masunog un kasi maunang masunog ung kumot bago ung bed sheet nyang tagpi tagpi kung talagang may sunog dahil sa plantsa. Pangalawa, ang bait bait nya pag alam nyang may pera kami ng asawa ko JUSKO POOO. Di nya alam kulang na kulang sahod ng anak nya ni piso wala pa kami natabi sa panganganak ko. Pag nag grocery ako akala nya sa anak nya galing ung pera di nya alam bigay sakin un ng mama ko sa pag aasikaso ko sa business nya since may work mother ko at busy kaya ako nag aasikaso. Pangatlo, panay reklamo na malamok na raw sa kwarto namin ng asawa ko, Jusko po wala nga ako makitang lamok. Tindi ng mata nya mamsh pagdating sa cellphone titig na titig kasi malabo na mata pero ung lamok nakita nya Iba Iba!! PANG APAT, panay parinig at reklamo na puro daw ako tulog, jusko mga Mamsh d ako makatulog ng maayos dahil malikot na si baby tapos mainit pa ngaun kaya madaling araw nagigising ako. Alas 3 ng madaling araw magigising ako para asikasuhin asawa ko pagpasok. 7am na ako nakakatulog dahil ang hirap matulog agad. 10 am nagrereklamo na sya d pa ako gising. Jusko mga mama d ko alam san lulugar. Pang lima, nagrereklamo sya na panay electric fan ko raw, jusko mga mama pawisin talaga ako maski d pa ako buntis paano pa ngaung buntis ako. Pag mawalan ng electric fan sa harap ko mukha na akong galing sa takbuhan sa arawan sa sobrang pawis as in natulo tlga nababasa damit ko sa pawis ko. Marami pa mga mamsh pero kahit ganun, WAG NA WAG NYONG SASAGUTIN MIL NYU AT MAGTATANIM NG SAMA NG LOOB. Di healthy yan mga mama! Pero talagang kagigil e, kaya madalas i buburst out ko inis ko sknya sa pag kkwento sa kaibigan ko dun ko nilalabas inis ko sknya . And better pa rin na bumukod, and in my case d pa keri kasi husband ko palang nag wowork minimun lang sahod nya kaya d keri. Plano namin bumukod pag mag work na ako kasi keri na magrenta at makaipon. So yun natanggal na inis ko sknya, bakante na ulit ung spot ng inis ko sknya pwede nya na ulit lagyan tapos ilabas ko ulit ?? P.S ung iba na mabait ang MIL nila naku i treasure nyu yan swerte nyu mga Mama!!

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Napakaswerte ko naman sa lahat nang inlaws ko ๐Ÿ˜ mother/father or sister in laws pa iyan ๐Ÿ˜ lahat sila turing sakin bunsong kapatid na rin kasi bf ko pinakabunso nila at nag iisang lalaki. Since wala dito bf ko nasa barko nagtatrabaho literal sila lang kasama ko sa bahay. Ayon nga nagagalit pa sila pag nagpasaway ako ๐Ÿ˜… kasi minsan may araw tlga na gustong gusto ko gumalaw, magkikilos, maglilinis konti dito sa bahay. Minsan pa nga yung MIL ko pa ang nag ooffer na maglaba nang damit ko baka daw mahirapan ako๐Ÿ˜… hindi naman ako sanay na ibang tao ang naglalaba nang damit ko tska naka washing naman salang ko lang yung sampay nalang akin ๐Ÿ˜…๐Ÿ˜… tapos lahat sila lage ako kinukumusta araw araw kung may nararamdaman ba ako๐Ÿ˜…โ˜บ 24weeks na ako pero sila pa yung sobrang excited na malaman yung gender nang baby ko para mamimili nadaw sila nang gamit๐Ÿ˜…pero shempre kino.consult muna nila ako. Respect lang din daw. Mas naging supportive pa nga sila sakin kesa sa sariling kong family eh na pag nagppm sakin tungkol sa pera lang lage ang sinasabi. Kaya wala akong masabi sa mga inlaws ko. I will really treasure them โ˜บ๐Ÿ˜

Magbasa pa
6y ago

Wow you are truly blessed. Pray for them also. Talagang timuring ka nilang pamilya