USAPANG MOTHER IN LAW

Mga mamsh, pag usapan natin MIL natin ung may mga inis dyan sa MIL nyu labas nyu na yan ??. D ko mawari kung swerte ba ako o nd sa MIL ko ??. Di ko gusto madalas ung mga lumalabas sa bibig nya e. Gigil mga mamsh. May times na okay naman sya pero madalas GIGIIIIL NYAAA AKOOOO GUSTO KO NA SYANG SAKALIN. Una, reklamo sya panay parinig na nasunog daw ung bed sheet na gamit namin ng asawa ko kesyo daw sa pagpplantsa ko. JUSKO POOOO!!! nung hinanap ko wala naman pero sabi nya meron. Pero impossible na masunog un kasi maunang masunog ung kumot bago ung bed sheet nyang tagpi tagpi kung talagang may sunog dahil sa plantsa. Pangalawa, ang bait bait nya pag alam nyang may pera kami ng asawa ko JUSKO POOO. Di nya alam kulang na kulang sahod ng anak nya ni piso wala pa kami natabi sa panganganak ko. Pag nag grocery ako akala nya sa anak nya galing ung pera di nya alam bigay sakin un ng mama ko sa pag aasikaso ko sa business nya since may work mother ko at busy kaya ako nag aasikaso. Pangatlo, panay reklamo na malamok na raw sa kwarto namin ng asawa ko, Jusko po wala nga ako makitang lamok. Tindi ng mata nya mamsh pagdating sa cellphone titig na titig kasi malabo na mata pero ung lamok nakita nya Iba Iba!! PANG APAT, panay parinig at reklamo na puro daw ako tulog, jusko mga Mamsh d ako makatulog ng maayos dahil malikot na si baby tapos mainit pa ngaun kaya madaling araw nagigising ako. Alas 3 ng madaling araw magigising ako para asikasuhin asawa ko pagpasok. 7am na ako nakakatulog dahil ang hirap matulog agad. 10 am nagrereklamo na sya d pa ako gising. Jusko mga mama d ko alam san lulugar. Pang lima, nagrereklamo sya na panay electric fan ko raw, jusko mga mama pawisin talaga ako maski d pa ako buntis paano pa ngaung buntis ako. Pag mawalan ng electric fan sa harap ko mukha na akong galing sa takbuhan sa arawan sa sobrang pawis as in natulo tlga nababasa damit ko sa pawis ko. Marami pa mga mamsh pero kahit ganun, WAG NA WAG NYONG SASAGUTIN MIL NYU AT MAGTATANIM NG SAMA NG LOOB. Di healthy yan mga mama! Pero talagang kagigil e, kaya madalas i buburst out ko inis ko sknya sa pag kkwento sa kaibigan ko dun ko nilalabas inis ko sknya . And better pa rin na bumukod, and in my case d pa keri kasi husband ko palang nag wowork minimun lang sahod nya kaya d keri. Plano namin bumukod pag mag work na ako kasi keri na magrenta at makaipon. So yun natanggal na inis ko sknya, bakante na ulit ung spot ng inis ko sknya pwede nya na ulit lagyan tapos ilabas ko ulit ?? P.S ung iba na mabait ang MIL nila naku i treasure nyu yan swerte nyu mga Mama!!

35 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hahahaha nakakatuwa naman yan MIL. Tawa pala, alam ba yan ng hubby mo? Yun iba keri lang eh, yun bedsheet na nasunog na di naman, yon lamok na wala naman. Pero yun pag tulog mo? At electric fan. Grabe lang. Basta magshare na lang kayo sa electric bill. For now, start na kyo mag ipon kahit pakonti konti. Hindi ba pwede sa inyo kana muna? Para iwas stress😂 ingat kayo ni baby.

Magbasa pa
5y ago

Kakatuwa no? Filipino trait kasi talaga yon sumuporta sa magulang. Family is family nga daw. Totoo talaga, yon pinakasalan mo na yon buong pamilya nya. Package na yon. Pera nya ay pera mo na din. Dami issues sa life, lahat my kuda at opinion. Pero iba na kasi kapag my sarili pamilya. Sana makaraos na tyo, tapos doon na tayo sa part na nagpapalaki ng anak. Dadating din tayo dyan, pray lang. Support nyo lang isat isa ni hubby. Ipagpray natin mahismasan ang mga MIL, at mag iba ugaling pag dating ng mga apo.

Ako ok nmn MIL ko mabait. Makwento. . Ako lng ung tahimik. Haha nahihiya nga ko minsan KC wla ko maisip n maisagot. Sanay din ako sa luob ng kwarto.. so pag gising ng hubby ko aasikasuhin ko n siya tpos mag lilinis n ko habang Wala p gising .. para wlang istorbo.tpos babalik n ko kwarto. Parang sila p nga nag aalala bkit d daw ako lumalabas. 😅 Nahihiya nmn ako..

Magbasa pa
VIP Member

Ang MIL ko rin minsan may saltik din e. Mabait siya basta sundin mo gusto niya. Hinihintay ko lang makalipat kami ng asawa ko next month. Nagkakasundo naman kami. Nagkukusa nalang ako sa chores para wala na masabi. Kasi baliktarin man natin ang mundo, nanay pa rin siya ng asawa ko. So, yung RESPECT nandun pa rin. Ganon nalang natin sa mga MIL natin mga mamsh!

Magbasa pa
5y ago

Ganyan din ako sa asawa ko. Inaasikaso yung baon niya. Everyday din ako naglalaba ng uniform kahit na hingal na hingal nako. Juskooo. Kesa may masabi na naman byenan ko.

Buti nalang ako swerte sa MIL ko. Nasa Japan kasi sya tapos pag may uuwi syang kasamahan hindi nya ako nakakalimutan bilhan ng kahit anong bagay tapos may iaabot pang pera yung kaibigan nya wag ko daw sabihin na nagbigay sya ng pera. Para samin daw yun ni Lo ko. Sa parents ko naman kami nakatira at swerte din naman asawa ko sa mga parents ko.

Magbasa pa
5y ago

Sana lahat mamsh, ang peaceful pag ganyan d nakakastress. Napaka mature mag isip ng parents nyu nd isip bata masyado.

Ako maswerte ako sa MIL at LIP ko kasi simula plang kami nagsama wala ako marinig sa MIL ko at mabait..tsaka simula din na nagsama kami ng LIP ko nakabukod na tlg kami 5yrs na kami nakabukod..at siya lang ang nagwowork kasi buntis ako sa pangalawa naming anak..mas problema ko pa nga mama ko e hahaha

5y ago

Swerte mo pala mamsh sa MIL mo baligtad naman tau ako naman sa mama ko wala akong problema, since then boto na sya sa asawa ko e. Pag inaaway ko pa nga asawa ko, kinakampihan ni mama ung asawa ko sesermonan pa ako.

Ok nmn MIL ko, pero ndi ko dn maintndhan minsan pag may mga comments sya patungkol sakin. Di kc tlga ako close sknya, tahimik lang dn ako. Ska madalas ako mainis kc mama's boy ang hubby ko so nadadamay sya pag feeling ko nitotolerate pa nya c hubby instead na pagsabihan in some situations.

Swerte mo mamsh, sana all 😅😅. Pero okay rin un mamsh na nagiging independent kau d naman kasi natin masabi ang tao minsan nagbabago baka masumbat pa sa inyo. Mas okay na rin na wala kaung utang na loob sa mga kamag anak nya. Still goodluck mamsh sa Delivery day kaya natin to.

My mga ganyan talaga mil mga sis di mo maiwasan ung ml ko nga sobra grabe pati anak tinuturuan ng di maganda kaya umalis Kame sa bahay ng asawa ko kasi napakapangit ng ugali nila . ako na LANG nag adjust ngyn dito nalapa Kame sa bahay di nako naistress

Minsan ganyan din MIL kung ano.ano naman sinasabi sa asawa ko kysa tamad daw pag di nagawa yung isang utos buti nga sinusunod sya kumpara sa ibang anak niya kulang nalang gawin nilang yaya nanay nila ni utos di niya magawa sa ibang anak niya. Aist

5y ago

True sis pag may kailangan ang bait. Pag wala na kung ano.ano nalang. Nakakastress din minsan eh sempre kahit hindi ikw ang sabhan ng mil natin nasasaktan tayo para sa aswa natin.

Waw mamsh kung makapuna sya sayo ha parang di nya pinagdaanan yang mga yan nung pinagbuntis nya ang asawa mo 😂 kaloka buti nakakatagal ka jan. Nako mamsh wag ka masyado mabubwisit sa mil mo at baka maging kamukha nya baby nyo 😂😂

5y ago

Yun na nga mamsh kinakatakot ko e 😂😂 mamaya maging kamukha nya jusko po lugi pagod sa pag gawa de charot lang 😂😂