βœ•

USAPANG MOTHER IN LAW

Mga mamsh, pag usapan natin MIL natin ung may mga inis dyan sa MIL nyu labas nyu na yan ??. D ko mawari kung swerte ba ako o nd sa MIL ko ??. Di ko gusto madalas ung mga lumalabas sa bibig nya e. Gigil mga mamsh. May times na okay naman sya pero madalas GIGIIIIL NYAAA AKOOOO GUSTO KO NA SYANG SAKALIN. Una, reklamo sya panay parinig na nasunog daw ung bed sheet na gamit namin ng asawa ko kesyo daw sa pagpplantsa ko. JUSKO POOOO!!! nung hinanap ko wala naman pero sabi nya meron. Pero impossible na masunog un kasi maunang masunog ung kumot bago ung bed sheet nyang tagpi tagpi kung talagang may sunog dahil sa plantsa. Pangalawa, ang bait bait nya pag alam nyang may pera kami ng asawa ko JUSKO POOO. Di nya alam kulang na kulang sahod ng anak nya ni piso wala pa kami natabi sa panganganak ko. Pag nag grocery ako akala nya sa anak nya galing ung pera di nya alam bigay sakin un ng mama ko sa pag aasikaso ko sa business nya since may work mother ko at busy kaya ako nag aasikaso. Pangatlo, panay reklamo na malamok na raw sa kwarto namin ng asawa ko, Jusko po wala nga ako makitang lamok. Tindi ng mata nya mamsh pagdating sa cellphone titig na titig kasi malabo na mata pero ung lamok nakita nya Iba Iba!! PANG APAT, panay parinig at reklamo na puro daw ako tulog, jusko mga Mamsh d ako makatulog ng maayos dahil malikot na si baby tapos mainit pa ngaun kaya madaling araw nagigising ako. Alas 3 ng madaling araw magigising ako para asikasuhin asawa ko pagpasok. 7am na ako nakakatulog dahil ang hirap matulog agad. 10 am nagrereklamo na sya d pa ako gising. Jusko mga mama d ko alam san lulugar. Pang lima, nagrereklamo sya na panay electric fan ko raw, jusko mga mama pawisin talaga ako maski d pa ako buntis paano pa ngaung buntis ako. Pag mawalan ng electric fan sa harap ko mukha na akong galing sa takbuhan sa arawan sa sobrang pawis as in natulo tlga nababasa damit ko sa pawis ko. Marami pa mga mamsh pero kahit ganun, WAG NA WAG NYONG SASAGUTIN MIL NYU AT MAGTATANIM NG SAMA NG LOOB. Di healthy yan mga mama! Pero talagang kagigil e, kaya madalas i buburst out ko inis ko sknya sa pag kkwento sa kaibigan ko dun ko nilalabas inis ko sknya . And better pa rin na bumukod, and in my case d pa keri kasi husband ko palang nag wowork minimun lang sahod nya kaya d keri. Plano namin bumukod pag mag work na ako kasi keri na magrenta at makaipon. So yun natanggal na inis ko sknya, bakante na ulit ung spot ng inis ko sknya pwede nya na ulit lagyan tapos ilabas ko ulit ?? P.S ung iba na mabait ang MIL nila naku i treasure nyu yan swerte nyu mga Mama!!

35 Replies

Mas Malaki pa problema ko Sa mama ko eh kesa sa MIL ko. Naawa tuloy ako Sa husband ko, mag 4 years na kaming kasal Pero Kung ituring Ni mama parang ibang Tao, sinusungitan lagi, buti nalang may sarili na kaming Bahay.

Pray lang mamsh, soon makikita rin ng mother mo ung kagandahang loob na meron ang asawa mo. Tiwala lang.

Hahahahaha taena ganyan din MIL ko sis. Naiirita nga ko e minsan nga gusto ko na ipakulam kaso kasalanan yun hahaha kaya pinagdadasal ko nalang sya! Wala eh hindi ako biniyayaan ng mabuting Mother In Law!

Hahahahaha

Hahahaha yung MIL ko mukhang pera. Mabait lang pag hihingi ng pera samin. Kapag wala kami mabigay deadma na kaya di ko na din dinadalaw yun pati yung anak ko. Ayoko mastress. πŸ˜‚πŸ˜‚

Same mamsh, akala nya tumatae ng pera mga anak nya. Lalo pag nag ot kala laki ng sahod. Kagigil pero pasensya na lang tlga kailangan.

Mabait naman MIL ko pero di kami dun nakatira sknla.. mahirap dn kase minsan makisama mainam pdin nakabukod. mainam pdin ung may malaya ka nakakagalaw at walang sisita sayo

Hahaha! Kaya mas magandang nakabukod eh . Walang didikta sa mga kilos mo . kami nga ni lo hndi na lumalabas ng kwarto eh .. Puro kase sya sita pakealam pagdatnf sa lo ko

Hahahah true mamsh nd man ngaun pero soon.

Ganyan talaga, pinaka best solution is bumukod ka. pero hanggat jan kayo naka pisan sa knila kailangan mo makisama kasi nakikitira kalang.

Oo mamsh, mahaba habang pasensya lang tlga. Plano namin bumukod pag nag work na ako kasi kaya na namin un since medyo malaki naman sasahurin ko sa industry ng trabaho ko ngaun lang ako nag stop kasi nga preggy. Pero thank you sa concern 😘😘

Ang worry ko lng sayo sis, kailangan wala kang ganyang stress pagkapangak mo kay baby. Baka mag-cause kasi yan ng binat sayo.

Oo mamsh salamat sa advice. God bless rin. 😊😊

Yung MIL ko super perfect sa sobrang perfect dami maling nakikitaπŸ˜‚ but buti nalang mahaba pasenya ni ate niyo😜😁

Korek mamsh!!yung tipong lahat kilos mo Mali na agad.better talaga mag bukod nalang😁

VIP Member

sana oil mommy πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ ako di ko pa nkakaharap ung soon to be MIL/FIL ko eh. hopefully mgkasundo kme 😊.

Buti na lang swerte ako sa Byenan ko hahaha may ganyan talagang Byenan, mapanilip πŸ˜‚

Sana lahat mamsh πŸ˜‚πŸ˜‚ treasure mo yan mamsh swerte mo.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles