colostrum

mga mamsh paadvice naman po. 33 weeks pregnant po ako and nag aalala ako sa breastmilk ko. nung nandun kase ako sa lip ko lagi akong nakakapagsabaw kaya yung gatas ko minsan naglileak na sa sobrang dami. ngayon nung lumipat ako dito sa apartment ng mga kapatid ko, halos di na ako makapagsabaw 😭 laging mga tuyot ang nauulam ko kaya wala na rin nalabas na gatas sa dede ko. di rin kase makapamili ng mga pang ulam araw araw kase sobrang layo ng palengke dito di tulad nung nandun ako sa apartment namin ng lip ko na malapit lang sa amin. huhu nag aalala lang ako baka wala akong gatas na maipapadede sa baby ko once na lumabas na sya. mga mamsh ano pong dapat kong gawin? magkakaroon pa po kaya ako ng gatas? salamat sa sasagot.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Magkakaroon po yan :) Sabi po ng nurse dati sa hospital nung nanganak ako, kahit pinakuluang malunggay lang daw po okay na para magka-gatas ng marami. Actually kahit more water intake nga po hehehe in case na wala rin malunggay, or inom ka ng milk po. In my case po, nung buntis ako ayaw na ayaw ko ng sabaw pero malakas po ako sa water, kaya nung pinadede sa akin si baby, may milk po ako :)

Magbasa pa
VIP Member

Paglabas ni baby, skin to skin agad at padedein agad. May milk ka. Don't ever doubt your milk 😉❤️