Newborn Baby

Hello mga mamsh. Normal ba sa newborn lagi iyak ng iyak? Gusto lagi nakasalpak ang dede. Breastmilk sya pero parang di sapat nakukuha nya. Lalo sa madaling araw mag 1am hanggang 6am lagi gusto lang nakadede. Pag nakatulog na at ilapag maya maya iiyak pag alam nya walang dede nakasalpak 🥲 Nag paalalay na nga ako ng formula milk ( Similac ) kaya lang ang poop nya yellow na basa di hiyang.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi po. Observe niyo kung anong oras siya gising at anong oras siya usually inaantok. Baka po kasi ayaw niya pa matulog at nabobored siya at ang pampalipas oras niya ay dede. Ganon kasi sa baby ko dati, pinipilit ko matulog kasi sanay lang ako na lagi siyang tulog, yun pala nagbago na siya haha. Gising siya 8pm onwards. Kaya ginagawa ko ine-entertain ko siya. Karga, kantahan, kausapin, ilakad, isayaw, at nakakakita na siya ng konti nuon kaya nilalaro ko, shinishake ko sa harap niya yung rattle at sinusundan niya ng tingin. Hanggang sa mapagod at antukin. Pinakalate niyang tulog 1am. Pero pag dating ng 10 or 11 pm ina-antok na siya.

Magbasa pa
VIP Member

Normal po sa new born clingy. Growth spurt po tawag. Possible way din nya yan para maincrease ang breastmilk nyo.

3y ago

thanks mamsh. Feeling ko kasi di sya nasasatisfy sa milk ko 🥲