Sleep. 35weeks And 3days Preggy

Mga mamsh.. Mga sis.. Bakit ganito ilang gabi na ako hirap matulog? Lahat ng pwesto ginawa ko na. Tihaya, left side right side.. Kulang nalang dumapa na ko ? tapos lumipat na dn ako ng bed.. Dun na ko sa mattress lang sa floor. Kasi sabi ko bka natataasan ako kaya bumaba ako ng higa. Pero ganun pa dn. Nagpalit na dn ako ng unan. Malambot to hard. Binawasan ko na dn unan ko hanggang sa dna ko mag unan. Sumakit lang leeg ko kakapalit. ? Bakit ganito. Bawal pa naman ako mag kulang sa sleep, anemic kasi ako. ?

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Normal sa mga 2nd and 3rd trimester momsh po ang hirap na matulog.. ako momsh, kapag ntutulog ako, ayoko ng naiistorbo ako, (lalo na pag mag videocall partner ko tas nagigising ako, naku panigurado world war 3!πŸ˜‚) kasi napaka ikli lng ng time na tulog ako.. mas mahaba pa gising kesa sa tulog eh..πŸ˜…

Normal po yan. Lalo na kapag nasa 3rd trimester. Lumalaki na si baby kaya yung mga laman-loob (sorry for the term) natin, umaangat na. Lalo na kapag umabot ka na ng 36-38 weeks. Try mo himiga ng diretso pero mataas ang unan bandang ulo hanggang balikat, parang nakaupo ka na, ganern.

Same sis.. pag maaga ako nakatulog after 2-3hrs gising na ko d na ko makatulog let umaga na let bumabawi nalang ako tulog pag inantok. 35wks and 1day hirap na po tlg makatulog pag ganito..

Hayy same here po!πŸ˜©πŸ˜‚ ilang oras lang tulog ko, pag mejo maliwanag na sa labas wala na dinako makatulog. Tapos pg nakukuha muna antok mo dun naman mgpaparamdam si pee!πŸ˜‚πŸ˜‚ @35w2d.

.same here po.. Mahirap po ako makatulog sa gabi.. Anemic din po ako.. I'm already 36 weeks and 5 days preggy.. Kaya pag wala talaga ako maayos na tulog sa gabi.. Natutulog ako sa umaga

VIP Member

Normal yang hindi makatulog sa gabi o hirap makahanap ng pwesto para makatulog. Basta pagpasok ng 3rd tri, asahan mo na mas marami ng nararamdaman ang buntis.

Hahaha I remember the feeling. Lalo 37 weeks sis. Mas lalo hirap na makatulog. Hirap na hirap ako nun. Kasi nagwowork din ako. Kaya puyat talaga.

Same feeling Mamsh. 32 weeks naman po ako, palipat lipat ng pwesto πŸ˜… Inaabot ng madaling araw bago maging komportable at makatulog. πŸ˜‚

Try mo sis nakaupo. Ako nakatulong nung may 3 pillow ako sa back. Isa sa pwetan, tapos 2 sa magkabilang side ng likod

Sis bili ka maternity pillow it will helps po. Ganyan Ako. Kaya bumili me maternity pillow sarap Ng tulog ko