Monthly allowance for MIL

Mga mamsh, magkano po binibigay niyo monthly allowance pra sa MIL niyo? Ako po kasi kada cut off sa sahod ni hubs 3k inaabot ko. Sagot namin bills at food. Hirap mag ipon ? minsan 8k umaabot bigay ko ke MIL

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wala. Wala na kasi mama ng asawa ko nasa heaven na. Siguro yong papa niya o mga kapatid. Pero pag kailangan lang hindi naman monthly. Pati mga kapatid niya pag gipit tulungan lang. Yong mama at papa ko naman kasi di na din humihingi kasi alam nila may family na ko. Pero pag need ng tulong tumutulong naman ako kay papa si mama kasi nasa ibang bansa siya pa nagpapadala samen. Pag magulang o kapatid kasi di naman matitiis. Pero yong nasa limit lang siguro pag kaya magbigay at tumulong gawin nalang pero wag abusado kasi sa panahon ngayon mahirap mag ipon lalo na kung nagsisimula palang magkapamilya.

Magbasa pa

Kami wala kami lang sa electric bill kasi ang hirap din kapag hindi nila alam yung kaya molang and siympre malaki din ang bill namin so gets na nila yun share share sa gastos since sila naman may gusto na dito kami magstay kahit na gusto namin bumukod, si hubby din nagsabi sakanila or nag explain ano ang share namin sa bahay, if minsan may sobra dun lang ako mag aabot ng extra sakanila kasi dalawa nadin ang mga bata at may mga inject silang need na gawin. Kausapin mo si hubby and explain to then kung ani ang pwede gawin.

Magbasa pa

Dati tig 3k MIL and FIL eh nagloan kami ng pampatambak sa gilid ng bahay nila para di na abutin ng baha so di muna nakakapagbigay kasi may bayarin na loan. Anyways kapag naman may okasyon tintreat namin sila sa labas. Kapag may mga small items like reading glasses or small home appliances kami na bumibili nun for them. Working pa din naman sila at di naman humihingi. When we were starting si MIL ang madalas na tumulong samin. Di rin sila nanghihingi. Kusang loob kami nagbibigay basta kaya namin.

Magbasa pa

Samin bago kami nagsama kinausap na ko ng MIL ko sa obligasyon ni bf sa kanila kasi si bf lang inaasahan nila para sa maintenance na gamot nila at bigas for 1 month .. 4k every month yun 2k per cut off .. pero hindi na sila nanghihingi beyond that .. Wala naman ako magagawa kelangan yun ng mga magulang nya ee .. ako din naman nagsusupport pa din sa parents ko .. hati hati nalang kung anu meron .. nakakaipon pa naman kahit paano ..

Magbasa pa

Sa side ko naman, 2000 kasi tatlo kaming magkakapatid at kasama ng parents ko ang sister kong sa bahay namin. Pag gipit pa, diskarte na nila un kung paano iba-budget. Sa MIL ko 4k per month, mag-isa lang naman ang MIL ko sa bahay nila, at meron pa namang isang kapatid si Hubby din. Same din, pag nanghingi pa pandagdag, tinatanggihan ko na. May sarili kaming bayadin at may anak na rin kaya kelangan isecure ang future namin. 😊

Magbasa pa
VIP Member

Good thing my MIL is financially independent. Minsanan lang magbigay hubby ko pag nalalaman namin na na shoshort siya sa mga pang maintenance niya na mga gamot kasi tinutulungan niya isang kapatid ng husband ko. Pero siguro pag nangyari na mag bigay kami mga once a year lang nangyayari. Siya pa gumagastos sa amin kahit tinatanggihan namin😂

Magbasa pa
VIP Member

Kame wala po dahil simula nung bumukod na kame hindi na humihingi ang mga magulan ko nasa akin nalang kung magbibigay ako o hindi pero sa ngayun wala na po ganun din sa hubby ko kasi nakabukod na kame ng bahay at may mga trabaho naman mga kanya kanya nameng kapatid and single pa sila kaya sila na nag shoshoulder lahat

Magbasa pa

Before sis 10k, pero nung kinasal kami at ngayin magkakababy na, 4k nalang. Bahala na sila mag budget, kasi kung dadagdagan pa namin, ano nalang matitira sa amin? Pag kami naggipit, di rin naman kami makakahiram sa kanila. Kaya kung 4k lang atleast may savings kami at the same time may suporta pa din sila (kabit niya)

Magbasa pa

Ang allotment ng FIL ko is 20k per month at hindi ko pinastop ang allotment nya kasi both parents namin ang meron pdin financial assistance from us. Kasama sila sa monthltly budget namin. Good thing is hnd naman sila nanghihingi pa or if ever na emergency gnun. Saka kapag we need help one call a way lang sila.

Magbasa pa

Samin mamsh .. sila pa nagbibigay both sides ❤😊 Kaya super thankful ako.. lahat ng pinaghihirapan namin para kay baby lahat napupunta. Kahit na 65 and up na sila working pa din at malalakas pa ❤ Basta lang mahiram nila si baby dapat hahahaha

Magbasa pa