Monthly allowance for MIL

Mga mamsh, magkano po binibigay niyo monthly allowance pra sa MIL niyo? Ako po kasi kada cut off sa sahod ni hubs 3k inaabot ko. Sagot namin bills at food. Hirap mag ipon ? minsan 8k umaabot bigay ko ke MIL

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kame dati nagbbigay c hubby tuwing sahod nung nde pa ko buntis , pero ngayon nabuntis na ko nde na sya nagbibigay tsaka nagsbi na din sya sa mama kc kelangan na magsave para kay baby atsaka nakabukod din kame my bayarin kame at gastusin araw araw..

Binawasan na namen ang abot. Kasi nalaman kong todo-todo din bumili ng kung ano-ano. Nangutang pa sa credit card e wala naman syang trabaho. Daig pa ako. Di naman din kami nakatira sakanla. Kaya 2k nalang from 5k each sahod ngayon.

VIP Member

Samin wala, kasi bumukod kami ng as in kami lang at walang tulong ng iba. Si mister ang may work, ako nmn bahala sa mga anak nmin at sa bahay. At ang mga parents ko pa minsan ang nag bibigay saakin monthly 😊

Usually our parents don't ask us for money. But we do give monthly either in form of groceries or money for bills. They don't require us naman.

Sa amin 5K at tataas pa minsan kapag may emergency. Kaya hirap din kami makaipon.

Bumukod nalang po kayo. Mas makakasave po kayo promise

wala, wala kc ako MIL, mama konnman hindi humihingi

Wala. Nakabukod kasi kami.

10k po