IN LAWS ALLOWANCE
Wala na po akong parents and nakasuno kami sa in laws ko, mabait naman in laws ko at parehas kaming may work ng husband ko. Kumikita ako ng 10k plus every cut off, husband ko naman 7k plus every cut off. Pinaka mababa na yung 10k sakin at 7k sa asawa ko so sabihin na nating sa isang buwan atleast 35k ang income namin mag asawa. Walang rent sa bahay since bahay to ng parents nya, internet namin since work at home kami 1,800, then tubig 1k, electricity 2k. Sabi ko sa husband ko after ng maternity leave ko shoulder na namin expenses sa bills para naman yung sahod ng FIL ko masolo na ng MIL ko, then syempre mag grocery din kami, bukod sa household responsibilities na ishoshoulder namin habang nandito kami sa bahay nila magkano kaya pwede namin ibigay as allowance ni MIL monthly? Gustong gusto kasi namin na may maipon si MIL para sa sarili nya. Para dumating man yung time na bubukod kami may pera sya. Pero syempre kahit naman bumukod kami mag aabot pa din kami sa parents nya. Ang sabi ko kasi sa asawa ko, hanggat buhay ang magulang mo hindi ako makikialam kahit bigyan mo sila ng sustento. Ang pera na ibibigay mo sa magulang mo hindi ko kukwestyunin.