i'm sad and alone
Hi, mga mamsh. Kagagaling ko lang sa check-up today. - May vaginal infection ako, need ng suppository - Mataas sugar ko, 138 - Lagi naninigas tyan ko, need bedrest at pampakapit I feel so sad and alone. ? May asawa ako pero nasa party sya ngayon, umattend ng kasal ng tropa nya. Never din nya ako sinamahan magpacheck up. Ay meron pala once, pero dun lang sya sa labas. Kanina habang naghihintay kay dok, naiinggit ako kasi lahat ng mommies dun kasama nila partner nila. Maiyak-iyak na ako, pinipigilan ko lang. Iniisip ko baka emosyonal lang ako talaga. Pero nalulungkot talaga ako. Feeling ko mag isa lang talaga ako. Ang dami kong iniisip. Mga gamit ni baby. Sinabi ko na sa asawa ko na kailangan na bumili (I'm 7 months pregnant) pero sabi nya, tsaka na lang. Pero pag sarili nyang gastos like magpapatattoo, inom ganyan.. sige lang sya. Hay. Ang dami kong worries. Buti na lang helpfull etong app na ito sakin. Please pray for me and my baby