My Birthing Story..

Hi mga mamsh. Isishare ko lang yung birthing experience ko.. Yung EDD ko is February 14, February 1 nung may kunting dugo na lumabas sa akin,nagpacheck ako sa OB ko. Sabi nya 1CM pa lng daw at may chance daw na maCS ako kasi maliit daw ang sipit sipitan ko.. PagkaFebruary 3, nagpacheck ulit ako sa ospital na panganganakan ko. 1cm pa din daw, pinapabalik ako kinabukasan. So pagkabalik ko ng February 4, naadmit ako nung hapon mga 4pm..Kinagabihan panay ang lakad2x ko sa labas ng ward ng ospital ksi mejo masakit na pero tolerable pa naman at malayo pa ang interval. Nung bandang 3:30 AM na ng February 05, dun na pumutok panubigan ko. Dinala na ko sa labor room, doon na sunod2x ang sakit. As in pinakamasakit na naramdaman ko sa buong buhay ko. Pinapagalitan na ko ng midwife at nurse ksi sobrang likot ko sa higaan, nanginginig na tuhod ko.. Hindi ko na maalala kung ilang oras akong naglilabor ksi nawalan na ko ng malay. Pagkagising ko, nililipat na ko sa hospital bed, ala una na ng hapon.. Sabi sa akin ng MIL ko, naCS daw ako.. Bale, 8:30 AM ako naECS. Tumaas BP ko tas 2 times ako nagkombulsyon,naEclampsia na pala ako. Yung baby ko 2 hrs naincubator ksi mahina daw umiyak, nastress daw sa tyan habang nagkombulsyon ako. Thank you kay Lord ksi di nya kmi pinabayaan. Sabi ksi sa mga nababasa ko sobrang delikado sa mother at sa baby yung eclampsia. Tapos hindi pa natrace agad ng OB ko, khit alaga pa ako sa check up. Mga mommy's, please beware po sa mga symptoms ng eclampsia.. Ito na pala ang baby ko ngayon, 3months na.. ❤️❤️

My Birthing Story..
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats po, mommy! 🙂💐 Cute ni baby! 😊

Congrats po

5y ago

Thank you mamsh.. 💕💕