Meet My Little Angel

Hi mga mamsh, im proud having him. Ako yung babae na sobrang takot sa pain kahit sa karayom, sa maliit na sugat o kahit sa kaubting dugo. Share ko lang when we decided na mag pa cs na ako after ng check up ko, kinabukasan nagtex agad ako kay ob na magpapa cs na nga ako. Super lakas ng loob ko na parang wala akong takot sa dibdib yung feeling mo na gustong gusto mo na makita ang anak mo. Then yun na nga nasa er na kami habang nakkta ko yung mga karayom na alam kung ituturok sakin natula ang luha ko at namumutla ako na may kasamang kaba. Buti nalang nandun ang asawa ko sa tabi ko na laging pinapalakas ang loob ko na kaya ko daw kse kunting oras nalang makikita na namin si baby at magiging mommy at daddy na kami. Nasa Or na ako, hindi ko ma-take tingnan ang mga aparatus na nandun, hindi ko ma-take tingnan ang mga karayom, yung ilaw na malaki yung inihahanda mo yung sarili mo pero alam mong may takot sa dibdib mo. Nagdasal lang ako ng nagdasal hangang sa mag start ang operation yung turok sakin hindi ko na ininda. Hanggang sa makinig ko na iyak ni baby at ipakita sya sakin. Yung parang nanalo ka sa lotto ng mega jackpot wala na din akong pakialam kung anong ginagawa sakin ng doctor. Sobrang sarap sa feeling mga mamsh. 3days lang ako nag-stay sa ospital kse nakakalakad na ako naka-wiwi at popo na din ako. Ngayon 1week na si baby. Glory to God at nakaraos kaming parehas healthy ni baby at walang nararamdam.

Meet My Little Angel
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats po, sana din makaraos nako sa kaba na nararamdaman ko 😅😂

5y ago

Pray ka lang ng pray sis. Promise no pain.

Strong mom! ❤ Congratulations!!! 😊

5y ago

Thank you po 😊❤️