Hyperemesis Gravidarum

Hi mga Mamsh. I'm 8 weeks pregnant and I was admitted to the hospital due to HG or Hyperemesis Gravidarum.. Gusto ko lang po malaman kung sino naka experience ng HG with there first trimester of pregnancy. Can someone give me tips how to cope with this? Ano po ang pwede ko kainin para maiwasan ko ang sobrang pagsusuka at pagkahilo? And what vitamins do you usually take?

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako po. 😊 1month ako labas pasok ng ospital at health center para lang idextrose. Mai-stay ako sa bahay ng 2 days lang tapos admit nanaman. Sobrang hirap po nun pero ang sasabihin lang sa ospital normal parin daw since naglilihi. Hindi ko rin naiinom mga reseta na vitamins at gamot noon like ranitidine kasi isinusuka ko lang agad pati tubig kaya no choice kundi maadmit. Iwas lang talaga sa mga nakakapagpasuka na pagkain. Wag rin muna sana mag ulam ng mamantika. Sabaw sabaw at lugaw lang, paunti unti pero maya maya na kain. Wag din muna magprutas gaya ng grapes at apple kasi grabe acid non. I suggest na kung nasusuka pa sa vitamins hinto muna kasi yun sabi ng OB ko nun, magpapak din ng ice cubes para kahit papano di madehydrate, parang kekendihin siya (effective sakin).

Magbasa pa

Same here, mommy. Na-admit for 4 days nun 1st tri ko due to HG. Here’s what I did after ko madischarge pero disclaimer lang hindi 100% gumaan yun pakiramdam ko 😓 1. Drink cold water, madalas din ako ngumuya ng ice. 2. I always have biscuits and cereals sa bedside table namin. 3. I eat super light snacks kahit di pa ko gutom (kahit isang pirasong biscuit lang). 4. Konti lang ako kumain pero madalas. Parang every 2hrs ata akong nakain nun. Sa awa ni Lord, nakaraos din ako. Sana makahelp sayo to. ❤️

Magbasa pa
VIP Member

Hindi ako nagka-hyperemesis pero ang pagkakaalam ko lilipas din yan. Eat small frequent feedings and yung mga madaling madigest. Example ang milk at fatty foods mahirap idigest kaya iwas muna. Preferable yung mga lugaw or mga may sabaw. Vitamins as long as di nag-iinduce ng vomiting ok. Try yung mga prenatal gummy candies. Pag di tolerated better not take at all. Bawi na lang talaga sa second trimester.

Magbasa pa

Pareho po tayo I’m on my 11th week, after ko lumabas hospital hindi nag improve situation ko hinihintay ko lng yung followup checkup ko next monday to tell my OB pero I’m getting weaker everyday at matindi prin vomiting ko almost all the time pinipigilan ko Lang lalo n pag bagong take ng vitamins. Ilang araw ka po na admit? May mga med ka rin for vomiting?

Magbasa pa
5y ago

Same. 11 weeks na din ako. 2-3x a day ako suka ng suka. May antacid and med naman for vomiting kaso di natalab. Hindi din naman ako pinapaadmit ng OB ko. Hirap na hirap na ko. Nakakaiyak na lang. 24/7 nakulo tyan ko. 😭

Same situation here. Sobrang hirap po. Halos kahit pag inom ko ng tubig feeling ko magsuka na ako. Ganun katindi. 4weeks to go pa bago matapos ang 1st trimester ko pero sobrang hirap na ko. 😭😭😭 Dasal at tiis lang talaga.

Nakakain ka pa po ba ng maayos? At nakakainom ng tubig? Ako hirap na ko kasi lalo ako nasusuka, natatakot na nga ako ma dehydrate halos maiyak na ako sa hirap

Pareho tayo mamsh. Suka ng suka. Pag nag patuloy pa need na daw idextrose sabi ni doc para ma hydrate. Yung ihi mo ba normal lang? Madami?

5y ago

Nanadmit nako before 3 days ako sa hosp. Pero ngayon okay namn nako mamsh. 37 weeks na ko lapit na lumabas baby ko.. Yung ihi ko normal nman 😊😁. Sana ikaw din okay na kase mahirap talaga kpag suka ng suka kawawa din baby naten. Godbless!

anu po ung Hg??

6y ago

Hyperemesis Gravidarum po