Hyperemesis Gravidarum

Hi mga Mamsh. I'm 8 weeks pregnant and I was admitted to the hospital due to HG or Hyperemesis Gravidarum.. Gusto ko lang po malaman kung sino naka experience ng HG with there first trimester of pregnancy. Can someone give me tips how to cope with this? Ano po ang pwede ko kainin para maiwasan ko ang sobrang pagsusuka at pagkahilo? And what vitamins do you usually take?

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako po. 😊 1month ako labas pasok ng ospital at health center para lang idextrose. Mai-stay ako sa bahay ng 2 days lang tapos admit nanaman. Sobrang hirap po nun pero ang sasabihin lang sa ospital normal parin daw since naglilihi. Hindi ko rin naiinom mga reseta na vitamins at gamot noon like ranitidine kasi isinusuka ko lang agad pati tubig kaya no choice kundi maadmit. Iwas lang talaga sa mga nakakapagpasuka na pagkain. Wag rin muna sana mag ulam ng mamantika. Sabaw sabaw at lugaw lang, paunti unti pero maya maya na kain. Wag din muna magprutas gaya ng grapes at apple kasi grabe acid non. I suggest na kung nasusuka pa sa vitamins hinto muna kasi yun sabi ng OB ko nun, magpapak din ng ice cubes para kahit papano di madehydrate, parang kekendihin siya (effective sakin).

Magbasa pa